CHAPTER 12

11.7K 190 29
                                    

I was just following him. Paglabas kasi ng unit ni Helius ay tumigil ako para paunahin siya dahil hindi ko naman alam kung saan ang unit niya. Sinasadya kong bagalan ang lakad ko para hindi ko siya maabutan pero mukhang binabagalan din niya ang paglalakad para hintayin ako.

Bahagya pang kumunot ang noo ko dahil sa elevator ang tungo namin.

"Is your place not in the same floor?" I asked with furrowed brows. He stopped and looked at me. Dahil sa pagtigil niya ay naabutan ko na siya.

"It's on the top floor." he answered. Nakatingin lang siya sa akin, probably waiting for a response. Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na sa paglalakad at iniwan ko siya sa likuran ko.

"What are you doing in this tower? Why are you with Helius?" I chose to ignore him. Ang cellphone ko lang ang dahilan kung bakit ako sumama sakanya ngayon, hindi ang makipagkwentuhan sakanya. Wala akong narinig sakanya pagkatapos no'n. Katabi ko na siyang naghihintay sa pagbukas ng elevator ngayon.

"Eda..." marahang tawag niya. Hindi ko alam kung bakit parang may kiliti akong naramdaman dahil sa ginawa niyang pagtawag sa pangalan ko. Weird!

I just gave him my bored look.

"Do you like Helius?" umawang ang mga labi ko sa tanong niya. The fuck with his question! Do I look like I grew feelings with that guy? Not even in a nightmare!

"Are you crazy?" hindi makapaniwalang tanong ko. Sinagot niya ng seryosong tingin ang hindi makapaniwala kong ekspresiyon.

"You're a completely different person when you're with him." umiwas siya ng tingin kaya nadepina sa paningin ko ang nakaigting niyang panga. "You were never like that to other person. Not even to me." he added.

"Gusto mo rin ng binabato ng kamatis at sinisipa?" I said almost sarcastically. Mas lalong tumiim ang bagang niya. "Dapat sinabi mo agad. Hindi lang kamatis ang ibabato ko sayo." I'm more than willing to throw him things. That would favor me, big time!

"You're not taking me seriously, Aldreda!" bahagya akong nasindak sa diin ng mga salita niya at sa biglang paglingon niya sakin. I composed myself and straighten my thought. Ayaw pala ng lalaking 'to na dinadaan siya sa pasarkasmong sagot.

"You shouldn't be surprised anymore. I'm not friends with you. You and Helius are completely different. I treat him the way you saw me treating him because he's my friend... and you're not." diretso lang ang titig ko sakanya habang sinasabi ang mga 'yon.

"Why can't you loosen up a bit, huh? Why are you so hard on me?" He asked confused and lost.

"Because you're carrying the name I loathe the most." mariing sabi ko.

"And this name... you'll be carrying it soon." kinilabutan ako sa kaseryosohan ng boses niya. "Buong pangalan ko ang dadalhin mo." sabi niya at nauna nang pumasok sa kabubukas palang na elevator. Nakipagtitigan pa ako sakanya ng ilang segundo bago ako pumasok.

"You're too old for me!" sabi ko nang tuluyan nang makapasok sa loob ng elevator. He glanced at me first before pressing the buttons.

"Fuck numbers! It's just a fucking number, Aldreda!" I want to smirk at him but I did it mentally. Did I just hit a nerve, De Grano? Pikon na pikon ang itsura niya ngayon na para bang nakakagalit ang pagbanggit ko patungkol sa edad niya.

"Still won't change the fact that you are eight years older than me. Masyadong matanda para sakin. Hindi ako pumapatol sa matanda!" dagdag ko pa para inisin siya. I'm enjoying his reaction. "At mas lalong hindi kita papatulan dahil sa pamilyang pinagmulan mo!" I watched him losing his patience.

"What has been your father feeding you?! I no longer know where your anger is coming from. Tell me, Aldreda, why do you hate us so much?" mapait akong ngumiti at walang balak na sagutin ang tanong niya. Ayokong sa harapan niya ako sumabog. Sapat na ang mga nakita niya noong nagkasagutan kami ng kapatid niya.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon