CHAPTER 37

10.2K 187 44
                                        

Nasasanay na ako sa buhay sa probinsiya. Nagagawa ko nang maglakad-lakad at pumunta sa bayan ng mag-isa. I usually visit my son's tomb. Ngayon nga ay pupuntahan ko siya. I'm holding a basket of flowers. Nabili ko sa nagtitinda sa labas ng Sementeryo.

Nagtatakang pinagmasdan ko ang isang lalaki sa tapat ng puntod ni Adi. May bulaklak doon at mukhang ang lalaking iyon ang may dala. Natigil ako sa paglalakad. Pinagmasdan kong mabuti ang lalaking sa tingin ko ay nasa singkwenta na ang edad o higit pa. Medyo malaki pa ang distansiya ko sakanya kaya hindi ko siya makita ng maayos at nakatalikod rin ito sa pwesto ko. Sa isiping may alam ito sa nakaraan ko ay binilisan ko ang mga hakbang ko.

Few steps away from him, he turned to my direction. Kusang natigil ang mga paa ko sa paghakbang. Maging ito ay natigil nang makita ako. Lumarawan ang gulat sa mukha niya. I blinked as scrutinizing pain attacked me. Mabibilis na senaryo ang pumasok sa isip ko.

Nabitawan ko ang dalang basket ng bulaklak at napahawak sa ulo ko.

Memories came flashing. Ang bibilis.

"Ahh!" daing ko sa sakit ng ulo. Humakbang ang lalaki para lumapit. Nagawa kong humakbang paatras dahil nagiging malinaw na sa akin ang lahat.

"Anong nangyayare, Aldreda?" nagawa akong alalayan ng lalaki nang kamuntikan na akong matumba dahil sa hilo. Mga alala simula pagkabata ay nagsibalikan. Highschool. College. Hanggang sa relasiyon ko kay Alas.

Sinubukan kong bawiin ang braso kong hawak ng lalaki. Hindi ko nagawa dahil para akong nawalan ng lakas. Tears started to cascade as more memories came flashing. Hindi ako tuluyang natumba dahil naalalayan ako ng lalaki.

"Are you okay?" hindi ko alam kung tama bang naririnig kong nag-aalala ang boses niya. I looked at him. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha pero malinaw sa isip ko lahat ng ginawa niya sakin at sa kakambal ko. Nagawa kong bawiin ang mga braso kong hawak niya at sinamaan siya ng tingin. How dare him visit the child he killed!

Umawang ang mga labi niya para magsalita pero walang namutawi sa bibig. Muli niya iyong isinara. Umatras ako. Nanginginig na ang mga tuhod ko sa sakit ng ulo, sa kaba at takot na baka may gawing masama sakin ang lalaking kaharap ko.

"Eda.." umiling ako at mas sinamaan siya ng tingin. Naalala ko na ang lahat. This man... he killed Annasandra, he almost killed me, he killed my son! Sa galit na nararamdaman ko ay naririnig ko na ang pagtangis ng mga ngipin ko. I hate him! I fucking hate him! Gusto ko sakanyang isumbat lahat ng kahayupan niya!

"Henry." I uttered the name I loathed. Yumuko ito. I watched him go on bended knees. Nakayuko at nakaluhod sa harapan ko.

"Masaya akong bumalik na ang alaala mo, Eda." he started. Nang tingalain ako ay namumula na ang mga mata niya. "Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko kay Annasandra, sayo, sa anak mo at sa pamilya mo. I was blinded by my a-ambitions. Pinagsisisihan ko lahat nang nagawa ko. Patawarin mo ako, Eda." pinanood kong bumuhos ang mga luha niya. Pumayat siya. Malalim ang mga mata at lubog na ang mga pisngi. Malayong-malayo na ang itsura niya ngayon kesa sa naaalala ko. He used to be healthy, living in wealth and screams authority. He used to be my second father. I admire him so much. Hiniling ko pa noon na sa susunod kong buhay, sana ay siya ang ama ko. He's like a father I never had. He did not just betrayed me. He broke me.

Learning that the man you adored was the one behind my abduction and torture, the one who killed my sister, and the one who almost killed me. Mas masakit na sa taong hindi ko pa inakalang gagawan kami ng masama ang may kagagawan ng lahat.

"You're like a f-father to me." iyak ko. "Hinahangaan kita. Mahal kita bilang a-ama. I once w-wished that you're my father. Sana ikaw nalang 'yung ama ko. Pero demonyo ka!" I shouted at him. Napayuko ito at nanatiling nakaluhod.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon