"Narinig kong tinawag mo siya sa pangalang iyon." I heard Nana Linda said.
"I'm sorry, Manang. Nabigla at nag-alala lang ako kaya hindi ko na naisip na ibang pangalan ang naitawag ko sakanya." rinig kong paliwanag ni Ark.
I heard her heave a sigh.
"Iwasan nating magbigay ng mga bagay na magpapaalala sakanya ng nakaraan, Apo. Alam mo ang sinabi ng Doctor. Sa ating lahat, ikaw dapat ang mas maingat. Naroon ka kaya bakit may mga dala kang posibleng magpasakit ng ulo ni Eda." that name. Hindi gaya kanina ay wala na akong naging reaksiyon.
"She was fine with the food but after drinking the juice... her head hurts. I'm sorry, Manang."
"Baka may partikular na alaala na pumasok sa isip niya kaya ganun." matagal na katahimikan ang sumunod. Akala ko tapos na silang mag-usap kaya nagbalak na akong bumalik sa higaan ko pero natigil nang magtanong si Nana Linda.
"Kumusta sa Maynila?" tanong ni Nana Linda.
"Tapos na ang imbestigasyon. They are convinced that she's already dead. May nakitang bangkay ng babae malapit sa pinangyarihan ng aksidente at lumabas sa imbestigasyon na siya iyon." seryosong sabi ni Ark. Kumunot ang noo ko dahil walang maintindihan. Labas na ata ako sa usaping ito.
"Naniwala ba siya? Sa lalim ng nararamdaman niya imposibleng basta nalang siya maniwala." mas humina ang boses ni Nana Linda sa pagkakataong ito. Dahil nasa harapan lang nila ang gasera kaya kitang-kita ko kung paano dumilim ang mukha ni Ark.
"Noong una ay hindi dahil muling nagpaimbestiga pero nang pakitaan ng mga patunay na iisang tao ang nakuhang bangkay ay naniwala na siya." nabakasan ko ng galit ang boses ni Ark. "Mabuti na rin 'yon para hindi na siya maghanap pa. Kapag nalaman niyang buhay pa ay kapahamakan lang ang maidudulot niya." sabi ni Ark sa mas mariing tono. Nakita kong hinawakan ni Nana Linda ang kamay ni Ark na mariing nakakuyom sa ibabaw ng lamesa.
"Alam kong kagaya mo ay sinisisi niya rin ang sarili niya sa mga nangyare." doon natapos ang pag-uusap nila.
Marahan akong bumalik sa higaan ko at doon binagabag tungkol sa mga narinig. Ako ba si Eda? Kung ako nga ang tinutukoy nila, bakit kailangang Eva ang itawag nila sa akin? Sino-sino ang mga tinutukoy nila sa naging usapan? What's with Manila? What really happened to me? Ang sabi lang ay naaksidente ako kaya wala akong maalala. Hindi na sila nagkwento pa maliban lang sa sinabi nilang ang aksidenteng kinasangkutan ko ang dahilan kung bakit wala akong maalala. Hindi ko magawang magtanong dahil hindi ako makapagsalita.
I remembered the name. Eda. Kanina, nang marinig ang pangalang iyon ay sumakit ng sobra ang ulo ko. May iba't-ibang boses akong narinig at malalabong imahe na gumuhit sa isipan ko habang tinatawag ang pangalang iyon. May kinalaman ba ang pag-iiba ng pangalan ko para hindi sumakit ang ulo ko?
"E-E-E-d-d-d-a." I tried to murmur. Ang hirap banggitin. Parang nanginginig ang mga labi ko. Namamalat ang lalamunan ko. Inulit ko pero pautal-utal talaga.
I stopped when I heard footsteps coming in. Nagpanggap akong tulog. Naramdaman ko ang pag-upo ng kung sino sa tabi ko. Sa amoy ay nakilala kong si Nana Linda iyon.
"Kung hindi ka lang nasasaktan ay nasabi ko na ang lahat sayo." mahinang sabi niya. I felt her gently caressing my hair. "Sobrang hirap siguro ng kalagayan mo. Wala kang maalala, bigla nalang sasakit ang ulo mo, hindi ka pa makapagsalita." nahahabag na sabi niya habang marahan pa ring hinahaplos ang buhok ko.
"Naging biktima ka ng mga taong sakim sa kapangyarihan. At habang naririto ka sa puder namin, hindi namin hahayaang muli kang masaktan ng mga taong iyon. Mabuti nang isipin nilang patay ka na." I stopped breathing at her last sentence. Natahimik siya ng ilang minuto bago ko naramdaman ang pagtayo niya. Nagdilat ako ng mga mata at pilit na tinanaw siya sa gitna ng dilim.
BINABASA MO ANG
Love Against Us
Ficción GeneralAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...