Namumula pa rin ako dahil sa naabutan nilang ginagawa namin ni Alas. I can now hear the non stop questions from my friends, lalo na si Ingrid. For sure she has now an idea.
"I now know why Harrison was so brokenhearted." simula ni Ingrid.
Nasa sala kaming tatlo habang ang mga lalaki ay nasa bar area ng condo ni Alas. Malalakas ang boses habang nagkukwentuhan. Sa pangunguna na iyon ni Helius na segundahan ni Rouse at Joaquin. Bihira kong marinig ang boses ni Tage at Alas.
"Gusto mo ba si Lucian?" walang pagdadalawang-isip na tanong niya.
"Hindi." mariing tanggi ko.
"At paano mo ipapaliwanag ang mga naabutan namin? Don't tell me you're playing games again? I won't buy that!" I seriously don't have an explanation for my actions. Naramdaman ko lang na gusto ko siyang halikan kaya ginawa ko.
"You even texted me you can't come, yet you're here! Making out with the last person I'm expecting you to be with! Imagine how shocked we are?" may akusasyon sa boses niya.
"Pupunta naman talaga dapat ako. We had a confrontation kaya..."
"Nauwi sa halikan?" I shook my head repeatedly. Masyado atang defensive ang pag-iling ko.
"May isang taong umaasa sayo, Eda." alam ko agad kung sino ang tinutukoy niya. "Umiiyak na tumawag sakin 'yong tao at halos lunurin na ang sarili sa alak." kita ko ang simpatya niya para kay Harrison. I know how much they like him for me. Even I, like him for myself but things just couldn't go like how we all planned it to turn out. Hindi ko hawak ang mga nangyare at hindi ko kayang pilitin ang sarili kong gustuhin pa siya at ibalik ang dati kong nararamdaman para sakanya.
"That's why I ended whatever he's holding on." tumango siya na parang naiintindihan na ang parteng iyon.
Rohesia is quite, probably absorbing everything. She's the one closest to Harrison kaya alam kong kahit siya ay nasasaktan din para sa kaibigan.
Seryoso lang na nakatingin sa akin si Ingrid, naghihintay pa ng mga sasabihin ko.
"Ayokong umasa pa siya dahil wala na akong nararamdaman para sakanya." tumango ulit siya. "Maraming nangyare simula noong m-mamatay si Ada."
"At kasama na dyan si Lucian?" tumango ako, hindi kayang itanggi pa ang katotohanan.
"You're falling for him." she concluded, siguradong-sigurado sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at walang masabi. Hindi ko alam kung itatanggi ko o sasang-ayunan ko.
"You're falling for him unconsciously, Eda. Pinipigilan ka lang ng galit mo sa pamilyang kinabibilangan niya. At naisip mo ba na habang nahuhulog ka sa iba ay may taong umaasa pa ring babalik ka?" kumawala ang luha ko nang maalala ang mukha ni Harrison, umiiyak at handa pa rin akong tanggapin kahit nalaman niyang may nangyare na sa amin ni Alas.
"He's still holding on to the idea that after you mourn, you two will get back together." tumango ako dahil alam ko 'yon. "Kasi ang naging paghihiwalay niyo ay hindi naman dahil nagloko kayo o nawala ang pag-ibig niyo para sa isa't-isa. He respected your lost that's why he agreed when you ask for a break up. At sobrang sakit no'n sakanya. Watching his girl fall inlove with someone else while he's still stuck on the idea that you just need to move on from your lost and will eventually get back together." mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.
"Harrison doesn't deserve the pain." Rohesia said. "and the unrequited love." dagdag niya pa.
"Alam ko... kaya hanggat maaga pa ay tuluyan ko ng tinapos ang lahat ng pinanghahawakan niya. Ayokong mas saktan at paasahin pa siya." I sobbed.
Nahahabag na yumakap sakin si Ingrid at Rohesia.
"We understand you. You've been through a lot since you lost her. Nakita namin lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan mo. From your family itself, you had too much already." Ingrid said while tapping my back gently. "Always follow what your heart says. Hindi ka niyan bibiguin." I'm so lucky to have them. Hindi ko nakikita ang sarili ko ngayon kung wala sila sa buhay ko.

BINABASA MO ANG
Love Against Us
Narrativa generaleAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...