My mood immediately went sour when I saw him entering the place. We are in the beach resort in Batangas owned by Harrison Rama, the one who invited us here because it's his birthday. He made the resort available exclusive for his birthday party.
Nakaupo kami sa buhanginan habang may mga alak at finger foods sa tabi na naghihintay lang na kunin. Ang ibang imbitadong bisita ay naghihiyawan na at nakikisabay sa pagtugtog ng inimbitang banda. May mga nakalagay ding iba't-ibang mga ilaw kaya mas ramdam na party ang idinalo namin dito.
Nangunguna sa paglalakad si Helius Laurente na mukhang galing pang trabaho dahil sa hawak nitong coat at nakarolyo hanggang siko ang puting dress shirt. Kausap nito si Rouse Victorino na ganun din ang ayos, medyo magulo lang ang damit pati na ang buhok. Mukhang may ginawa muna bago pumunta dito. Tsk.
My eyes drifted to the last person whom I wished to be busy so we won't breathe the same air. Pero mukhang mahina ako Sakanya dahil heto siya ngayon, naglalakad palapit sa pwesto namin.
Kahit nahuhuli ay umaangat ang itsura nito dahil sa suot na two piece suit. Kita ko kung paano nito hinubad ang suit at niluwagan ang suot na neck tie. It loosely hang on his neck. Habang naglalakad ay nirorolyo nito ang long sleeves na suot hanggang siko. He unbuttoned his first three buttons making his chiseled chest on sight. Tuluyan niya na ring inalis ang neck tie na suot.
Mas umasim ang mukha ko nang malapit na sila sa pwesto namin.
Nakita ko kung paano lumawak ang ngisi ni Helius nang tumingin sa akin bago sinulyapan ang kaibigang nahuhuli na diretso lang ang tingin at parang walang pakialam sa paligid.
I avoided his gaze.
Kinuha ko ang isang beer at ininom. Rinig ko ang halakhak ni Helius na nasundan din ng mura sa hindi ko malamang kadahilanan dahil pinili kong 'wag nang tumingin muli sa banda nila.
I almost throw Ingrid a death glare when she pouted her lips pointing the newly arrived men's direction.
Do I look like I care? Why invite him?
"Where's the birthday boy?" naglalaro ang tonong tanong ni Rouse. Sakto namang dating ni Harrison mula sa pakikipag-usap sa ibang imbitadong bisita. Kalahati lang ata ang kilala at pamilyar sa akin sa mga imbitadong bisita ni Harrison.
Nagtawanan sila habang nag-ma-manly hug. Huling bumati si Harrison kay Alas. "Akala ko hindi kana darating, Gov." nanunudyong biro ni Harrison sa kaibigan.
"He even canceled his meeting to go here. Wouldn't like to miss something." ngisi ni Helius.
Masamang tingin ang ipinukol sakanya ni Alas na ikinalawak lang lalo ng ngisi ni Helius. He looks playful with his smug smirk, but dangerous at the same time. Para bang palagi itong may ibinabalak at mukhang hindi gagawa ng mabuti. I don't judge, I just describe his aura. I've seen him in different emotions and I don't like him when he has a smug face and when he's being serious.
"Nakakatouch naman. I never felt this special." halakhak ni Harrison. Tumawa lang si Helius na sinundan ni Rouse.
"Hi, Eda!" baling ni Helius sa akin. Tinanguan ko lang siya, ganun din si Rouse and I chose to ignore their other friend, whom I can feel his heavy stares on me.
Hindi nagkakalayo ang aura ni Rouse kay Helius. Mas magaan lang kay Rouse. He looks playful yet with limitations.
Ininom ko ang beer na hawak at inignora pa lalo ang isa pa nilang kasama at umalis sa grupo pagkatapos maubos ang isang bote ng beer.
I dropped the bottle and go.
I can feel the sudden suffocation. Hindi talaga kami pwedeng nasa iisang lugar dahil hindi ko maatim ang presensiya niya. I hate that we breathe the same air. But being in the same circle of friends, kailangan kong tiisin ang presensiya niya. Pero hindi ako plastik para ngitian o tanguan siya.

BINABASA MO ANG
Love Against Us
Narrativa generaleAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...