Habang lumalalim ang gabi ay mas lalong kumukunti ang mga bisita nina Ingrid pero hindi man lang nababawasan ang media kaya kahit kanina ko pa gustong lumapit kay Alas ay hindi ko magawa dahil masyado iyong takaw atensiyon. Not when Ellen is following me whenever I go! She's seriously pissing me off and she's enjoying it!
Sumama ang tingin ko sa alak na inaalok ni Rohesia. Gustong-gusto ko ng kunin pero nakabantay ang mga mata sa akin ni Alas. I don't understand why he doesn't want me to drink.
"I'm not in the mood to drink." I lied. Kung alam niya lang na kanina pa 'ko inuuhaw sa alak. Hindi ko binigyan ng pagkakataon ang ano mang namamagitan samin ni Alas para ganituhin niya ako.
I almost beg him with my stare. He firmly shook his head. I heave a sigh and get the water instead.
"Why aren't you drinking?" puna ni Ingrid nang makalapit na sa akin.
"Mamaya na." muling pagsisinungaling ko. Tumingin siya sa direksiyon ni Alas at bahagyang tumango, probably acknowledging him. Umirap ako nang makita kong abutan siya ng alak na Tage at tinanggap niya. Hindi niya naman ininom at nanatili sakin ang mga mata.
Binabantayan niya talaga ako!
"May media ba mamaya sa Bar?" baling ko kay Ingrid. Umiling siya na nagpagaan ng loob ko kahit papaano.
"Si Ellen pupunta pero hindi bilang reporter." sinulyapan ko si Ellen at naabutan itong nakatingin sa akin, na para bang kanina pa ako pinagmamasdan. Tinaas niya ang basong may lamang alak at nginisihan ako.
Inirapan ko siya pero mas lalo lamang lumawak ang ngisi niya.
"Kanina ka pa mukhang iritado." komento niya at hindi ko na tinago pa sakanya ang iritadong mukha ko.
"Ayaw akong painumin ni Alas!" sumbong ko. Ngumisi siya at muling sumulyap sa direksiyon ni Alas.
"Bakit daw?" nag-iisip na tanong niya.
"Ewan ko!"
"May nangyare ba sainyo nung pumunta tayo sa unit niya?" tanong niya na parang wala lang iyon sakanya. Nanlaki ang mga mata ko.
"The hell, Ingrid! Hindi porket birthday mo ipapaalam ko sayo ang sex life ko!" asik ko sakanya. Tiningnan niya lang ako na parang hindi naman siya interesadong malaman ang tungkol sa bagay na 'yon, kundi may gusto lang siyang patunayan.
"Sa reaksiyon mo parang meron. Nag-iingat lang siguro si Lucian. Makinig kana lang." napamaang ako sakanya. Iniwan niya akong medyo nahihiya at naguguluhan sa mga sinabi niya. How could she conclude based on my reaction? Yeah, she's observant! She probably knows what's happening in our lives.
"Pupunta ba si Harrison mamaya?" rinig kong tanong ni Rohesia kay Ingrid. Kanina ko pa nga hindi nakikita si Harrison. He's a friend and his presence is expected but he's not around. Hindi ko alam kung paano ko siya papakisamahan kung sakaling pumunta siya ngayon pero hindi naman siya ibang tao. We started as friends and I want us to be friends again. He's a dear friend. A friend with so much memories that I'll keep.
"Hindi ko sigurado." sagot ni Ingrid na parang wala pa sa sarili. Sumulyap sa akin si Rohesia at alam ko agad kung para saan 'yon. I'm sad that we ended up this way but we couldn't force ourselves to be the same again. The love is no longer there. A lot of things happened already. Marami na ring nagbago, isa na do'n ang nararamdaman ko.
Nauna akong lumabas ng bahay nina Ingrid at agad na pumasok sa sasakyan ni Alas. I made sure that no one saw me entering his car. Kaunti nalang din ang mga sasakyan sa parking lot at nasa loob ang iilang hindi pa umuuwing media. Rohesia brought her own car kaya sa bar na kami magkikita-kita.
BINABASA MO ANG
Love Against Us
Fiction généraleAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...