Naabutan kong may kausap sa cellphone si Luna. May hawak siyang puting tuwalya sa kabilang kamay na mukhang ginamit niya para tuyuin ang basang buhok. Nakanguso siya nang maabutan ko pero agad na tumalim ang mga mata nang makita ako.
I just gave her my bored look.
"Bakit ako lang ang pinagsasabihan mo? You saw it yourself, tinapunan din ako ng kape. Pati nga 'yung cup e!" mukhang alam ko na kung sino ang kausap niya. Imbes na makinig pa ay naglakad na ako palapit sa shower room para makaligo na pero humarang siya sa daraanan ko.
She's giving me her bitch face.
"Pero syempre... gaganti ako." sabi niya at ngumisi. Nasa tenga niya pa rin ang cellphone nang sabihin 'yon. Mukhang sinadyang iparinig sa kapatid niya.
"Papagalitan mo rin naman ako, lulubusin ko na." sabi niya at binaba ang tawag.
Hindi ko inasahan ang pagtulak niya kaya napaatras talaga ako at muntikan nang mawalan ng balanse. Malutong akong nagmura at sinamaan siya ng tingin. Hindi ko pa nababalanse ng maayos ang sarili ko nang tumama sa mukha ko ang tuwalyang hawak niya. She used the towel to hit me. Ilang hampas ang ginawa niya at lahat 'yon ay tumama sa mukha ko.
"The hell, De Grano!" ramdam ko ang sakit ng bawat hampas ng tuwalya sa mukha ko. I tried to cover my face using my hands but she hold one of my hand, pulling me close to her.
Malakas akong suminghap nang sampalin niya ako ng sobrang lakas. Pakiramdaman ko bumakat ang kamay niya sa mukha ko at nabingi ako.
Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sakanya.
"Get your hand off me." mariing sabi ko. Nanginginig na ako sa galit at alam ko sa sarili kong sasabog ako kapag nagpatuloy ang pananakit niya sa akin.
Buong pwersa kong binawi ang kamay kong hawak niya at hinila ang kabilang dulo ng tuwalya. Malakas ko 'yung hinila at pinulupot sa leeg niya. She coughed. Nabitawan niya ang kabilang dulo kaya hinawakan ko 'yon para mapanatili ang higpit ng tuwalya sa leeg niya.
"Matagal na akong nagtitimpi sayo." gigil na sabi ko. "Pinapalampas ko halos lahat ng ginawa mo pero sumusobra kana talaga." mas hinigpitan ko ang hawak sa tuwalya kaya mas lalo siyang naubo.
"P-Papatayin mo ba ako! Let go of me!" she said almost out of breath.
"Beg for your life. I won't fucking go easy on you." gigil na sabi ko.
"Makakarating 'to kay Daddy. I will fucking s-sue... fuck, Aldreda! I can't fucking breathe!" I don't know but it satisfies me seeing her out of breathe.
Marahas na bumukas ang pinto ng banyo at kitang-kita ko kung paano marahas na tumataas-baba ang dibdib ni Alas. Mariing nakatikom ang bibig niya. Inilang hakbang niya ang pagitan namin. Bahagya akong natangay nang hilain niya ang tuwalya para maalis sa leeg ng kapatid niya. Ang sama ng tingin niya sa akin at halos wala ng malambot sa mukha niya. It looks so hard with his expression right now. He can kill by his look.
"What the fuck, Aldreda!" he sounds mad and disappointed. Nasindak ako sa lakas ng boses niya. Halos dumagundong 'yon sa bawat sulok ng comfort room.
Umubo-ubo si Luna at hawak ang leeg. I can see red lines from the towel on her neck. May namumuong luha sa mga mata niya pero hindi ako nakaramdam ng pagsisisi sa ginawa ko. Sumabog na ako sa sobrang galit ko sakanya.
I opened my mouth to at least defend myself but I close it again. Bakit ako magpapaliwanag sakanya? He saw me choking her sister and that's enough for him to conclude that I am harassing her. Hindi niya na kailangang malaman kung ano ang ginawa sa akin ng kapatid niya para gumanti ako ng ganun.
BINABASA MO ANG
Love Against Us
General FictionAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...