CHAPTER 25

10K 152 41
                                    

I couldn't contact anyone. My phone was confiscated. Nagising nalang akong hindi ko na makita pa ang cellphone ko. From there, alam ko nang kinuha na ni Daddy 'yon. He wouldn't miss something that can help me contact Alas.

Hindi na rin ako makalabas pa ng kwarto ko. Nakalock mula sa labas at may mga tauhan niya pang nakabantay sa mismong pinto ng kwarto ko. Hinahatiran nalang ako ng pagkain at tubig dito.

Mas nadungisan ang pangalan ni Daddy nang may kumalat na video kung saan malinaw na bibubugbog ng mga tauhan niya si Helius habang nakamasid siya. Another clip went viral when my father pointed a gun to Alas. Sinuntok niya ito nang paulit-ulit at hindi nanlaban si Alas. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila dahil walang sound ang video na in-upload. Pero alam kong tungkol iyon sa akin at sa pagbubuntis ko.

"I'm a father. I've heard that my daughter was with Helius Laurente in the middle of ungodly hour and was about to bring her to Lucian De Grano. Fatherly instinct kicked in. My initial reaction was to get her from him, knowing that our family are not in good terms." he tried to clean his name. Kasalukuyan siyang ini-interview ngayon tungkol sa pambubugbog kay Helius at Alas.

Ang TV sa kwarto ko ang nanging tulay ko para makibalita mula sa labas. I couldn't talk to my Mother. Hindi ko rin alam kung nakauwi na ba si Kuya Allen.

"Hindi po ba may relasiyon ang anak niyo at si Governor Lucian?" tanong ni Ellen sakanya.

"I'm afraid that he'll just use my daughter against me." he said. With his face and tone, he might get the people's sympathy.

"Paano niyo po nasabing gagamitin lamang siya ni Governor Lucian?" tanong pa ni Ellen. Alam kong kaya kay Ellen siya nagpa-interview dahil pinagkakatiwalaan ito ng pamilya pero mukhang hindi ata na-inform ang ama kong sinasamantala ni Ellen ang pagtatanong kapag nabibigyan ito ng pagkakataon.

"If he loves my daughter, he could have courted her before, why now that the election is near?" bahagya akong natigilan sa narinig ko sa ama ko.

Ayokong mag-isip ng masama tungkol sa tunay na intensiyon sakin ni Alas dahil ramdam ko at alam ko sa sarili kong totoo ang mga pinakita at pinaramdam niya sakin.

Inalis ko ang pag-iisip ng masama sa totoong intensiyon sakin ni Alas at muling binalik ang atensiyon sa panood.

"Baka ngayon lang po nabigyan ng pagkakataon." Ellen tried to make the atmosphere light.

"I doubt that." seryoso at madiing sabi ni Daddy.

"Papayag po ba kayo kung sakaling kunan namin ng panayam ang anak niyong si Aldreda?" para akong nabigyan ng pag-asa sa tanong na iyon ni Ellen.

"I'm afraid I couldn't allow anyone near my daughter as of the moment, Ellen. My only concern right now is her safety and her peace of mind." I don't have a peace of mind and I'm not safe here!

"Right, Senator Venturillo. Especially that she's pregnant." makahulugang sabi ni Ellen. This girl is seriously not afraid of the man she's talking to.

"Pictures of you and Mr. Rama are spreading online. That was after the news of Governor Lucian impregnated your daughter. Totoo po bang pinag-uusapan ng dalawang pamilya ang pagpapakasal ni Aldreda at Harrison Rama?" this is something I didn't know! Oo nasabi niya noong nakaraan ang tungkol sa bagay na 'to pero talaga bang gusto niyang ipakasal ako sa taong hindi ko na mahal? And that would be so unfair on Harrison's part. Kahihiyan din ang posibleng maging dulot nito sa mga Rama.

"Kung may gusto man ako para sa anak ko ay si Harrison iyon. Matagal na silang magkakilala at may pinagsamahan na." he answered indirectly. Kita ko ang ginawang pagtango ni Ellen.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon