Halos hindi na ako huminga. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko sa sobrang kaba. Parang natuyo ang lalamunan ko at naging masakit ang bawat paglunok na ginagawa ko.
I watched him walk towards the couch and sit there. Nagawa niya pang kumuha ng dyaryo doon para basahin.
"Masyadong matagal ang ginawa mong pagtayo sa labas ng library at nag-uusap kami ni Rigor nang mga oras na 'yon. I had to review the CCTV footage to confirm that you already know something." sabi niya habang nakatuon ang mga mata sa dyaryong binabasa.
"Alam mo bang hindi maganda ang pakikinig sa usapan ng iba? At 'yon ang pinaka ayaw ko sa lahat." sabi niya at tumingin sa akin ng diretso.
Yumuko ako. I need to think straight. Kailangan kong makaalis dito. Alam kong may masama siyang binabalak at hindi sapat sakanya na sabihin kong hindi ako magsasalita tungkol sa mga nalaman ko. With his plans, he can't risk it when someone knows about it. He did a lot of evil things already. Kaya alam kong kaya niya rin akong gawan ng masama.
"Kung hindi kana lang sana nakinig." narinig kong sabi niya pa. Nanatili akong nakayuko. Ayokong tumingin sakanya dahil pakiramdam ko ay nakikipagkasundo ako sa demonyo.
"Gustong-gusto ka pa naman ng anak ko. Sayang lang kung uod ang makikinabang sayo." he said. Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa kabang nararamdaman ko. Dumudoble iyon sa bawat salitang binibitawan niya.
Natahimik na siya. I throw him a glance and he's reading the newspaper. I still couldn't believe everything. Hindi ko alam kung hihilingin ko bang panaginip nalang 'to o ano.
Kailangan kong makaalis dito. He will leave once Harrison is back. I'll take that as an opportunity to escape.
Sobrang daming nangyare sa araw na 'to. Nakakapagod sa dami.
Ilang oras pa ata ang itinagal bago muling pumihit ang seradura ng pinto. Puno ng pag-asang naghintay ako sa papasok. Para akong nabigyan ng panibagong pag-asa nang si Harrison na iyon. Hindi ko pa sigurado kung may alam siya sa mga ginawa ng ama niya pero kung ipagkukumpara sila ni Tito Henry, ay mas kaya kong tagalan si Harrison. I don't think he's as evil as his father.
"Dad." pagkuha niya sa atensiyon ng ama. Tumayo si Tito Henry at nilapag ang kanina niya pang binabasang dyaryo.
"Mabuti naman at nakabalik kana." sabi nito kay Harrison.
"Hindi mo kasama si Mommy?" he asked.
"She has some errands to do, Harry. Ikaw na ang bahala kay Aldreda. Mauuna na ako." paalam niya.
"Salamat sa pagbabantay kay Eda." pasasalamat ni Harrison. He just threatened me!
"Napakaliit na bagay. Natuwa rin naman ako sa mga pinag-usapan namin. Hindi ba, Eda?" pagbaling niya sakin. Peke akong ngumiti at tumango.
"Bago ko nga pala makalimutan, mag-iiwan ako ng bantay dito para sa proteksiyon ni Aldreda." muli siyang bumaling sa akin at ngumisi. Nawala ang peke kong ngiti. May magbabantay sa akin.
"Thank you, Dad!" tinapik niya ang balikat ng anak.
"I'll get going... Eda." may pagbabanta sa mga mata niya.
"Thank you, T-Tito." sabi ko.
Parang may nawalang mabigat na bagay sa dibdib ko nang tuluyan niya nang lisanin ang kwarto. Ngayon ko lang din napansin na may dalang pagkain si Harrison. Nilapag niya muna 'yon sa center table bago siya lumapit sa akin.
"How are you feeling?" he asked. Marahan niya pang hinimas ang braso ko at lumebel sakin.
"Maayos naman na." sabi ko nalang. Umayos siya ng tayo at inayos ang unan na sinasandalan ko.
BINABASA MO ANG
Love Against Us
Ficção GeralAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...