CHAPTER 20

11.2K 171 21
                                    

Pagkakita ko palang kay Daddy ay agad ko nang naramdaman ang dala nitong panganib. May pagbabanta sa mga mata habang nakatingin ng diretso sakin. Gusto kong umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya pero hindi ko ginawa. Ayokong may isipin siya dahil sa kabang nararamdaman ko.

Tipid akong ngumiti sakanya para ipakitang masaya akong makita siyang muli.

"Dad." tawag ko dito at lumapit sakanya para yumakap. He's just standing firmly while I'm hugging him. Madaling araw na at pagod silang dalawa sa mahabang byahe pero ipinilit pa rin ni Daddy na sunduin ako. Masyadong naniniguro. Ganun ba siya kawalang tiwala sakin? Or he has a fatherly instinct? Naramdaman niyang may ginagawa akong hindi niya gusto?

"Let's go home." walang bahid ng emosiyong sabi niya. Tumango ako at bahagyang lumayo sakanya. Pinauna kong pumasok si Mommy sa sasakyan.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid dahil kanina ko pa nararamdamang may nakatingin sa akin. I silently gasped seeing Alas looking at me. Tipid akong ngumiti sakanya para iparating na maayos lang ako pero parang hindi man lang ito napanatag. Hindi natutuwa ang reaksiyon sa mukha niya at alam kong kung hindi lang dahil sa takot ko kay Daddy ay baka kanina niya pa ako nilayo sa mga magulang ko. At walang alma akong magpapatangay sakanya.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan pagkatapos siyang bigyan ng tipid na ngiti.

Tahimik kaming lahat habang nasa byahe. Si Mommy ay nakapikit na at kitang-kita ang pagod at antok sa mukha niya, katabi ang seryosong nagdadrive na si Daddy. Hindi man lang siya nagpadrive. Napansin ko rin na walang mga sasakyan na nakasunod samin. The driver and guards are not around. He wanted to personally see my whereabouts. Kung hindi ko lang alam kung ano ang totoo niyang intensiyon ay baka naluha ako sa saya dahil sa pagsundo niya sakin.

Buong akala ko ay hahayaan na ako ni Daddy na makapagpahinga pero agad niyang tinawag ang pangalan ko pagkapasok palang namin sa bahay.

"Hindi ba pwedeng ipagpabukas 'to, Alfonso?" pagod na sabi ni Mommy. My mother doesn't go against my father but she cares, ramdam ko.

"Mauna kana sa kwarto, Celeste. May pag-uusapan lang kami ng anak mo." tumingin sakin si Mommy na may pag-aalala. Tipid akong ngumiti para ipakitang ayos lang ako. At dahil wala namang nagagawa si Mommy laban kay Daddy ay masunurin itong naglakad papuntang kwarto nila.

Naiwan akong nakatayo malapit sa mahabang couch habang nakaupo si Daddy sa single couch.

"Madalas ka raw sa condo ni Ingrid." panimula niya na agad nagdala ng kaba sa akin. Titig na titig siya sa akin na para bang naghahanap ng pagkakamali sa mukha ko. Tumango ako dahil 'yon ang palaging paalam ko kay Kuya Allen.

"Doon ka raw minsan natutulog." muli akong tumango. "Sa tingin mo naniniwala ako, Aldreda?" mas kumabog ang didbib ko sa sobrang kaba. May alam ba siya?

"Bihirang umuwi si Ingrid sa Condo niya dahil sa bahay siya nila pinapauwi madalas ni Yna." hindi ko alam kung bakit kalmado pa rin ang tono niya kahit ramdam ko na ang panganib doon.

"Sa condo ka ba ni Ingrid o kay Lucian De Grano ka tumutuloy?" nag-iinit na ang buong katawan ko sa sobrang kaba. Hindi ko alam ang sasabihin ko o may kakayahan pa ba akong magsalita sa lagay kong ito.

He's eyeing me dangerously.

Alam kong maling salita ko lang ay hindi siya magdadalawang-isip na saktan ako.

"May binili akong condo kay Aldreda sa tower na 'yon at doon siya umuuwi." mariin akong napapikit sa pagsingit ni Kuya Allen. Kahit papaano ay naibsan ang kabang nararamdaman ko nang tumabi sakin si Kuya. His presence means protection against my father.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon