Weekend came and my parents aren't home yet. They're not updating me or they did? Hindi ko lang alam dahil wala sa akin ang cellphone ko.
Fuck, De Grano!!
Hindi nangyare ang dapat na pakikipagkita niya sa akin dahil bigla raw itong may inasikasong importante ayon sa spokesperson niyang si Helius nang sunduin ako nang araw na 'yon.
Hindi pa naman umuuwi si daddy at mukhang payapa lamang itong tumutulong sa Bicol base na rin sa napanuod kong balita. Kaya mukhang hindi nito alam na wala sa akin ang cellphone ko at nakipagkita ako sa kalaban. Technically, hindi naman talaga ako nakipagkita dahil kung may dapat mang sisihin ay ang bodyguards ko 'yon, na hindi ko alam kung kanino ba talaga ang loyalty.
Umuwi si Kuya Allen kahapon kaya nasabi ko ang tungkol sa pagpunta kina Ingrid. Nagpresenta na rin siyang ihatid ako. Hindi ko alam kung ano ang inihanda ni Ingrid o kung sino-sino ang mga makakasama namin dahil hindi ko siya matawagan o matext man lang. I just concluded na pupunta ako sa Condo niya para magkwentuhan at pag-usapan ang kung ano mang gusto niyang pag-usapan namin. Malakas ang pakiramdam kong kaming tatlong magkakaibigan lang ang magkakasama mamaya.
"Let's go." aya ni Kuya Allen nang makababa na galing sa kwarto niya. Tumayo na ako at kinuha ang sling bag at sumunod na sakanya palabas.
"Your bodyguards are just within Ingrid's condominium tower." sabi niya bago ako pinagbuksan ng pinto. Kumunot ang noo ko dahil simula nang pumunta ako sa bahay ni Alas ay hindi ko na ulit nakita ang bodyguards ko.
"Wala na akong bodyguards, Kuya." sabi ko at iginala pa ang paningin sa paligid para hanapin ang mga bantay ko.
"They're just around guarding you." sabi niya. Tumango nalang ako at pumasok na sa loob.
"If you're too drunk, don't go home. Stay in Ingrid's unit." sabi niya habang nagmamaneho. "But in case you still want to go home, I'll ask someone to drive you home. Just text or call me." tumango lang ako sa mga sinabi niya. Hindi ko pa alam kung uuwi ako o matutulog sa unit ni Ingrid. I'll borrow Ingrid's phone to text him if I'll go home.
"Do you have your phone now?" sa tanong niya ay bigla kong naalala na hindi man lang siya nagpanic nung sinabi kong kasama ko si Alas.
"Are you friends with Alas?" nagbabanta ang mga tingin ko sakanya. Sumulyap siya sa akin at ngumisi.
"I'm not friends with anyone, Eda. I just know whom to trust." I almost gave him my violent reaction.
"Hindi sila mapagkakatiwalaan!" alma ko.
"Hindi sa lahat ng bagay pero pagdating sayo ay nagtitiwala ako kay Lucian." awang ang mga labing tumingin ako sakanya.
"Why?" naguguluhang tanong ko.
"Alam ko lang na hindi ka niya ipapahamak." umirap ako sa naging sagot niya. He sounded so sure. Mukhang hindi man lang talaga nagdadalawang-isip.
"I'm now telling you, Kuya, don't trust me to that man! He's not safe!" I said convincing him.
"Sa anong bagay?" naghahamong tanong niya. Hindi nakalampas sa akin ang ginawa niyang pagngisi na para bang may nalalaman siya.
"In everything!" I said in high pitched. Bahagya akong nahiya sa tono ng pananalita ko kaya hindi na ako nagsalita pagkatapos. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana buong byahe.
"Take care, Aldreda." bilin ni Kuya Allen nang tumigil na ang sasakyan niya sa parking lot ng Condominium tower ni Ingrid.
"Yes, Kuya. You too, please." marahan akong humalik sa pisngi niya bago bumaba ng sasakyan.

BINABASA MO ANG
Love Against Us
General FictionAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...