"Ayoko pang m-mamatay. Maghahanap pa ako ng hustisya sa pagkamatay ng kapatid ko kaya tulungan mo ako." pakiusap ko sakanya.
"Eda... Baby. Look at me." masuyong sabi niya. Marahan niya akong nilayo sakanya at hinawakan ang mukha ko para matitigan sa mga mata.
"What's happening?" kontrolado ang emosiyong tanong niya. Ang dilim ng mga mata niya. Takot, pag-aalala at puot ang naghaharing mga emosiyon dito.
"Mga tauhan niyo." simula ko, nanginginig sa takot sa mga alaalang bumabalik sa isipan ko.
"What did they do to you?" may pagbabanta sa naging tono niya. He looks so dangerous right now. Mas delikado siya tingnan ngayon kesa noong naabutan niya kami ni Luanna sa banyo.
Kinakabahan ako dahil sa galit na nakikita ko sa mga mata niya. Bigla akong natauhan. I blinked and tried to get away from him. Hindi niya ako hinayaang makalayo man lang sakanya. Hinawakan niya ang braso ko at pilit na pinapatingin sakanya.
"What about our men?" he asked with a threat. Umiling ako. "Answer me, Aldreda!" I almost jumped because of the sudden raise of his voice. He sounded frustrated because I am not answering him. Diretso lang ang titig niya sa akin habang hawak pa rin ang braso ko, slightly squeezing it for an answer. Umiwas ako sakanya ng tingin at wala ng balak dugtungan ang mga sinabi ko kanina. Masyado akong nadala ng napanaginipan ko.
"Anong ginawa nila sayo?!" He's very dangerous right now. Parang wala siyang papalagpasin sa itsura niya ngayon.
"I w-want to go h-home." sabi ko para umiwas sa nakikitang galit sa ekspresiyon niya. Muli kong tinangkang kumawala sakanya pero hinigpitan niya lang ang hawak sa mga braso ko.
"I just want to know." lumambot ang boses niya. Umiling ako, desidido nang hindi magsasalita pa tungkol sa mga nangyare noon. "You were so scared and desperately asking for help. Hindi ko kayang palampasin ang mga 'yon. Now, tell me... What happened to you before?" mariin kong kinagat ang mga labi ko dahil sa panginginig ng katawan ko. Mukhang naramdaman niya 'yon kaya hinawakan niya ang mga kamay ko. Bahagyang naibsan ang panginginig ko dahil sa init ng mga kamay niya.
"J-Just months after Annasandra's burial... your father's men abducted me. And... and they tried to r-rape me." humagulhol ako nang maalala ang mga nangyare noong araw na 'yon.
I visited Annasandra. Palabas na ako ng sementeryo nang biglang may mga armadong lalaking humarang sakin. Nakita ko hindi kalayuan na nakahandusay na ang mga tauhan ni Daddy at pare-parehong walang malay. Sinubukan kong tumakbo pero nahawakan agad ako ng isang lalaki.
Nagpumiglas ako pero para akong nawalan ng hangin nang sikmuraan ako ng isa. May humampas pa sa batok ko kaya tuluyan akong nawalan ng malay. Nagising nalang akong nasa hindi pamilyar na lugar at sobrang dilim, nakaposas ang mga kamay at may takip ang bibig.
"Kung s-saan-saan nila ako h-hinawakan." parang batang sumbong ko sakanya. His eyes are bloodshot. Mariing nakatikom ang bibig at humigpit ang hawak sa mga kamay ko.
"P-Pinaso nila ako nang paulit-ulit. 'Yung mga paso ko sa likod, galing ang mga 'yon sa mga sigarilyo nilang pinapatay nila sa likod ko." humagulhol ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Paulit-ulit ang pagmumura niya habang pahigpit nang pahigpit ang mga yakap sa akin.
"The scars on my pulse, those were from the tight handcuffs. Ilang beses kong sinubukang alisin hanggang sa nagkasugat-sugat na." ang bigat ng bawat paghinga niya.
"Are you sure it was my father's men?" punong-puno ng puot na tanong niya.
"I heard them talking about him. They even address your father as their boss." malinaw pa rin sa akin hanggang ngayon ang mga pag-uusap nila. Pakiramdaman ko nga ay sinasadya nilang iparinig sakin lahat ng pinag-usapan nila pati pangalan ng boss nila.

BINABASA MO ANG
Love Against Us
Fiksi UmumAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...