"Good evening everyone!" ang malakas na boses ni Ada ang kumuha sa atensiyon naming lahat. Nang malingunan ko siya ay ang lawak ng ngiti niya habang nakalingis sa braso ng hindi pamilyar na lalaki.
Kumunot ang noo ko at hindi nagustuhan ang nakikita.
"Don't give me that look, Aldreda." she said and laughed. Mas lumapit siya sa table namin. Nang tingnan ko ang mga magulang ko ay hindi ko sila nakitaan ng protesta. Nakita ko pa nga ang pagngiti ni Daddy. Now, this is weird. I looked at Kuya Allen but he just shrugged his shoulders, not bothered by the fact that Annasandra's with a man.
"This is Harrison Rama, my best friend." she introduced. Mabilis na tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
I doubt that!
Looking at the guy, parang may ibang pakay siya at dinadaan-daan lang sa pakikipagkaibigan. He looks good, no doubt. Mukha ring galing siya sa mayamang pamilya base na rin sa pananamit at kilos niya.
Ngumiti ang lalaki pero iba ang naging dating sa akin.
It's our eighteenth birthday. My parents held a party at home and only close friends are invited. It's an intimate celebration. Wala ring press na inimbita kaya malaya ang mga galaw ko.
I found out that Harrison is indeed my sister's best friend. Magkaklase sila at naging malapit nang magsimula ang pasukan noong high school.
Ada studied high school in a public school. I remembered her begging my father to enroll her there, which at first I couldn't understand why. But then, she's Annasandra, my complete opposite with the same face. Habang ako ay nag-enroll sa all girls school.
Ang dami pa nilang kwento na pinili kong hindi na pakinggan.
Harrison received my death glare the whole duration of our intimate dinner. Ngingisi lang siya sa akin sa tuwing sinasamaan ko siya ng tingin at mas lalapit sa kapatid ko na para bang nang-iinis talaga.
Mas nawalan ako ng gana nang politika na ang pag-usapan sa table namin. I heard that the Ramas supported my grandfather last election. That explained why I didn't hear anything from my father.
Nang mabigyan ng pagkakataon ay agad akong umalis sa table at pumunta sa mga kaibigan ko. I only invited my two close friends pero nakita ko ang ilang kaibigan din na nakapagpakunot ng noo ko. Ada invited them?
Ingrid and Rohesia are all smile when I sit on their table. "Your sister is friends with everyone." Rohesia said roaming her eyes. "Habang ikaw nag-ta-tyaga saming dalawa ni Ingrid."
I am the exact opposite of Ada. If she prefers a crowded place, I don't. She's very bubbly and friendly na kabaliktaran ko. I'm serious and I don't initiate friendship. Kaya halos wala talaga akong kaibigan.
Highschool when I met Rohesia and Ingrid. They're like a social butterfly. Halos kaibigan nila ang lahat ng nasa school. Nakikita ko sakanila ang kakambal ko kaya siguro nakapalagayan ko sila ng loob kahit na malayo ang mga personalidad namin. Malaki ang naitulong nila sa growth ko. They're the reason why I started mingling with people. Nagkaroon ako ng mga kaibigan na kung saan mga kaibigan din ng mga De Grano. Kaya halos nagkakasalubong lang kami ng mga De Grano.
"She even have a guy best friend." dagdag pa ni Rohesia habang nakatingin sa table na iniwan ko. "Habang ikaw ilag na ilag sa mga lalaki." sabi niya pa at tumawa. Hindi ko nalang pinatulan ang pang-iinis niya.
We studied in all girls school pero iba ata ako sakanila. Kayang-kayang makihalubilo ng dalawa sa kahit na kanino. I'm so awkward with boys. Siguro dahil hindi ako kasing friendly ng mga kaibigan ko at puro babae ang nasa paligid ko sa mahabang panahon. Halos palibutan ako ng mga lalaki nang tumuntong kami ng college but I'm not just into them. I couldn't find the interest to flirt with them.
BINABASA MO ANG
Love Against Us
Narrativa generaleAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...