CHAPTER 30

10.2K 152 44
                                    

"Masaya sana kung makakapagkwentuhan kayo ni Ark, Apo. Gusto ka sana naming dalhin sa espesyalista para matingnan ang kalagayan mo pero noong huli ka naming dinala sa Hospital ay halos magwala ka." naalala ko ang tinutukoy niya. Hindi ko alam kung anong meron sa Hospital pero sobrang takot ang naramdaman ko nang dalhin ako ng mag-asawa doon kasama si Ark. Hindi ako makahinga ng maayos doon. Nagsisisigaw ako sa takot kaya wala silang nagawa kundi ang ilabas ako. Kumalma lang ako noon nang tuluyang makalayo sa Hospital. Pero pagdating naman sa sasakyan ni Ark ay parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit. Nahirapan din akong huminga sa loob kaya sa tricycle nalang nila ako sinakay. Those are the weird things that I've experienced at hindi ko alam kung bakit may mga ganoon akong reaksiyon.

"Bakit ayaw mong magsalita? Ayaw mo ba akong kausap?" I managed to shook my head. Ngumiti si Nana Linda sakabila ng mga luhang namumuo sa mga mata. Gusto ko naman siyang kausapin pero hindi ko lang magawa. Hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap sakanya. Parang hindi ko kayang ibuka ang mga labi ko para makasambit ng kahit isang salita.

"Mag-iisang taon na pero wala pa akong naririnig na salita mula sayo. Tanging pagsigaw mo lang sa takot at mga hikbi mo ang nasaksihan at narinig ko sa mag-iisang taon mo dito samin." pagkukwento niya.

"Ang sinabi ng doctor na nakausap ni Ark tungkol sa kalagayan mo ay nakakaranas ka raw ng trauma at depresiyon mula sa aksidenteng kinasangkutan mo." sabi niya pa.

"Magpagaling ka, ah. Hindi ko kayang habang tumatagal ay parang mas lalong lumalala ang kalagayan mo imbes na bumuti." tuluyang bumuhos ang mga luha ni Nana Linda.

"Marami akong gustong sabihin sayo. May lugar na gusto kong mapuntahan mo dahil alam kong karapatan mo iyon, pero hindi natin magagawa lahat ng iyon hanggat hindi ka pa magaling. Kailangan mong magpagaling kasi kailangan mo ng sapat na lakas para sa lahat ng mga sasabihin ko sayo. Ang sakit makita kang nagkakaganyan." my tears cascade when she sobbed. Niyakap niya ako at naramdaman ko ang mga luha niya sa balikat ko.

"Gusto kong magpakatatag ka sa lahat ng mga malalaman mo. Dapat may sapat kang lakas kapag dumating tayo sa tagpong iyon. Ayokong mas saktan kapa pero wala akong magagawa dahil nangyare na ang mga bagay na iyon. Hindi ko alam kung paano mo matatanggap ang lahat pero isipin mong nandito ako, si Berting, at may dalawang taong handa kang protektahan laban sa mga taong pwedeng makapanakit sayo." wala akong ideya sa mga sinasabi ni Nana Linda pero nasasaktan ako. Sobrang sikip ng dibdib ko na halos ikakapos ko na ng paghinga. I am hurting for something I didn't know. Sobrang sakit niya. Hindi maipaliwanag na sakit.

Masakit na na hindi ko alam. Paano pa kaya kung umabot na kami sa puntong ikukwento na sakin ni Nana Linda ang mga alam niya? Baka ikamatay ko na ang sakit.

Alam kong may alam sila kung bakit ako nagkakaganito pero dahil alam nilang hindi pa ako handa at posibleng mabasag anumang oras kaya hindi nila sakin sinasabi.

Gabi ang pinakamahirap na oras para sa akin. Madalas hindi ako makatulog, kung makakatulog man ay magigising din dahil sa masamang panaginip. Palagi akong dinadalaw ng masamang panaginip. Malabo ang panaginip na 'yon pero alam kong masama dahil malinaw ang mga sigaw ko doon. Nagmamakaawa, natatakot at gustong kumawala.

Kagaya ng mga nagdaang gabi, gising na gising ang diwa ko. Nagising ako dahil sa isang panaginip. Kagaya lang ng mga nauna kong panaginip ay sumisigaw ako doon. May kung anong dinidikit sa katawan ko pero hindi malinaw kung ano 'yon. I was breathing hard when I woke up. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko kagaya ng sakit na naramdaman ko sa panaginip ko. Nasapo ko ang luhaang mukha at umiyak sa mga palad ko. I feel so helpless.

Muli akong binalot ng kadiliman. Sobrang tahimik ng paligid. The darkness is scary yet it gives me comfort. Kagaya noong mga nagdaang gabi ay nasa balkonahe ako. Nag-iisip ng hindi konkreto.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon