CHAPTER 38

9.4K 150 15
                                    

I never had a chance to tell him that I love him. Sana pala sinabi ko sakanya na mahal ko siya. All I did is to hate him. We had the shortest time to be with each other. 'Yung kasal na inalok niya, nagawa niya sa iba. Ako dapat 'yon. What's life if we weren't from a politics affiliated family? Pamilyang hindi sakim sa kapangyarihan.

"I want to go back to Manila." mahina pero determinadong sabi ko. Hindi umimik si Helius. Kahit tumanggi siya ay hindi ako magpapapigil. Gusto kong makita ang mga taong naiwan ko don. Rohesia, Kuya Allen, my parents and Ingrid with her husband. Damn! It hurts so bad. Asawa ko sana 'yon.

"Sasamahan kita." Helius said after a long silence. Tahimik akong humiwalay sa yakap niya. Hinayaan niya ako. Hindi ko kayang makipag-usap sa mag-asawa ngayon. Nilampasan ko sila at dumiretso sa kwarto.

Gusto kong isipin na kaya nagpakasal si Alas sa kaibigan ko ay dahil inakala niyang namatay ako sa aksidente. If he knew that I am alive, he wouldn't do such thing. But marriage is sacred. I always believe that you marry for love. And it's more than two years, he could have moved on. The thought that he easily moved on killed me. Kinailangan kong suntok-suntokin ang dibdib ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. I feel like this kind of pain is way hurtful than the physical pain caused by the car accident.

"Let's go." hindi ko siya tinapunan ng tingin at pumasok na sa sasakyan niya. I breathed hard inside his car. Nasa isip ko pa rin ang aksidenteng kinasangkutan ko. I clenched my hands tightly dahil nanginginig ito. Nahihirapan akong  huminga pero pilit kong nilalabanan ang takot na nararamdaman.

Narinig kong nagbibilin si Nana Linda kay Helius. Hindi ko pa maayos na nakakausap ang mag-asawa at hindi pa ako nakakapagpasalamat sa ginawa nilang pag-aalaga sakin at pagpapatira. Babalik ako dito pagkatapos ng lahat.

"We're going. Take care." rinig kong sabi ni Helius kay Nana Linda. Sinulyapan ko sila at umiiyak si Nana habang nakatingin sa gawi ko.

"Mag-ingat kayo. Tumawag ka agad, Apo." bilin niya. Helius nodded.

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan. "Babalik po ako, Nana, Tata." I promised. Ngumiti sila sakabila ng mga luha. Pinigilan kong maiyak pero tumulo pa rin ang mga luha ko.

"Hihintayin ka namin, Apo." ngumiti ako.

Ang bigat ng dibdib ko habang palayo kami sa mag-asawa. Para kong iniwan ang mga magulang ko. They've been so good to me. Wala akong masabi kundi ang pasasalamat na sila 'yung andyan noong mga oras na kahit ang sarili ko ay hindi ko kilala.

"It will be a long drive. You can take a nap, Eda." Helius said. Hindi ako umimik. I heard him heave a sigh and continue driving.

'Yung nagpapasalamat ka sa isang tao but at the same time you're mad at him, that's what I exactly feel toward Helius. Nagpapasalamat kasi siya 'yung nandyan noong mga oras na walang-wala ako. Nasa tabi ko kapag kailangan ko. Pinapagaan ang lahat kapag sobrang bigat na. Pinapasaya ako noong mga oras na sobrang lungkot ko na. He is the sunshine after the storm. Pero sobrang sakit na ang kapalit ng lahat ay ang taong mahal ko. Si Alas kasi 'yong taong nagparamdam sa akin na kamahal-mahal ako, katanggap-tanggap ako at dapat inaalagaan. Sino nalang ang magpaparamdam sakin non ngayon na kasal na siya sa iba?

Hindi matutumbasan 'yung mga isinakripisyo para sakin ni Helius pero bakit kailangang itago ako sa taong mahal ko? Hindi ko na napigilan pa ang mga hagulhol ko. Bakit sa akin kailangang mangyare lahat ng ito? Hindi ko ba deserve ang sumaya? I am the victim of my own family. The victim of my lover's family. Gusto ko lang naman mahalin at maging masaya. Bakit sobrang hirap naman atang makuha non.

Hinayaan ako ni Helius na umiyak. Wala akong narinig mula sakanya. He's just driving silently to Manila. Siguro dala na rin ng pagod at sobrang pag-iyak kaya nakatulog ako sa byahe. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon