CHAPTER 32

9.3K 160 40
                                    

The greetings did not happen. Walang boses na lumabas sa bibig ko. Bumubuka pero walang tinig. I practiced how to speak! It's frustrating that nothing came out from my mouth. Umiwas ako ng tingin at kumalas sa hawak ni Nana Linda bago tumakbo sa loob ng bahay. Narinig ko ang pagtawag nila pero nagdire-diretso ako papasok sa loob ng kwarto ko.

I locked the door at nagsumiksik sa gilid.

Ayoko ng pakiramdam na parang maraming bagay ang nawawala sakin. Parang ang daming missing pieces at hindi ko alam kung saan ako magsisimula para buoin iyon. Being mute added to my frustration. I cannot converse! Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin at walang nakakaintindi sa nararamdaman ko.

I feel so helpless!

"Eva!" tatlong katok ang narinig ko mula sa labas ng kwarto ko. May pagsusumamo sa boses ni Ark at parang gustong pagbigyan. "Open the door." pakiusap niya. Humikbi lang ako. At anong gagawin namin? Mag-uusap? I can't even utter a single word! I don't know how to converse using a sign language. I'm completely lost!

"Eva, please..." pakiusap pa niya. Mas siniksik ko ang sarili sa gilid. Hindi na inaabot ng ilaw ang kwarto dahil sa nakasarang pinto. Sobrang dilim at ang nasusupil na ingay galing sa labas lamang ang naririnig.

"Make me understand. What's wrong, hmm? Open up, Eva." mas naiyak lamang ako sa sinabi niya. Who is he in my life? Why is he so concerned? Why is he guilty? 'Yung mag-asawa, kaano-ano ko ba sila? I have this feeling that I barely know them. Ark is somehow familiar to me. The feeling of knowing him but I can't remember him at the same time. I don't know how long Ark tried to make me open the door but I just stayed in the corner, crying.


New year had passed like a blink of an eye. Kahit ang ganda ng kalangitan sa makukulay na fireworks ay hindi ako napangiti. Maraming pagkain na inihanda pero wala akong gana. Isang subo lang ng spaghetti ay inayawan ko na at pumasok na sa kwarto.

Ark left. Hindi ako lumabas ng kwarto nang araw ng alis niya. Kinatok niya ako pero hindi ako nagpakita. Hindi rin ako sumama sa paghatid sakanya. Parang mas nawalan ako ng gana sa lahat. Tumamlay ang bahay nang makaalis siya. May pinupunan talaga siya sa bahay na 'to kapag nandito siya at parang ang laki ng nawawala kapag wala siya.

I don't have an idea what's happening to him that he didn't go home for months. I can't ask the couple. Naririnig ko silang nag-uusap tungkol kay Ark. Kahit sila ay nag-aalala kung ano na ang nangyayare dahil hindi raw ito macontact sa tuwing sinusubukan nilang tawagan. I am in denial but I know that I am also worried about him. What's taking him long to comeback? May nangyare ba sa Manila? Ito na ata ang pinakamatagal niyang hindi umuwi dito.

Galit ba siya sakin dahil sa ugaling pinakita ko bago siya umalis? Ayaw niya na bang umuwi dito? Ayaw niya na ba akong makita?


Nagkalat ang dugo. There's a gun on the floor. May nakahandusay na babaeng duguan at ang isa ay walang malay. I saw myself with a woman on her mid-40's. Hawak ko ang nanginginig niyang kamay at pareho kaming umiiyak. May binabanggit siya pero wala akong marinig. Humahagulhol kami ng iyak habang yakap ang katawan ng duguang babae.

I froze when I saw that I look exactly like her. Only she's bleeding. May tama ng baril sa dibdib at may saksak sa tiyan.

When I look at the other woman, I saw blood on her hands, hawak niya ang duguang kutsilyo. Malapit sakanya ang baril na mukhang ginamit para saktan ang babaeng yakap-yakap namin.

"De Grano!" I hissed angrily. Puno ng poot ang mga mata ko habang nakatingin sa babaeng sa hinuha ko ay ang may gawa nang pamamaril at pananaksak sa babaeng kamukha ko.

There's a sudden change of location. Wala na ang duguang babaeng kamukha ko, ang babaeng kasama ko at ang babaeng nakahandusay sa sahig. Madaming tao at naghihiyawan. Masasaya ang mukha, may mga placards na dala at sumisigaw ng pagsuporta.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon