CHAPTER 17

11.7K 194 33
                                    

Kanina pa nakatigil ang sasakyan ni Alas at kanina pa kami nasa loob at nagtatalo. He wouldn't just let me walk in first at saka nalang siya sumunod para hindi kami makahakot ng atensiyon. He also brought his other car para hindi kilala ng media, kaya walang nakaabang na media personnel sa sasakyan namin ngayon.

"Lucian!" napipikong tawag ko sakanya. He just boredly leaned on his seat. Hawak-hawak niya ang kamay ko kaya hindi ako makalabas. I'm glaring at him but he just wouldn't flinch. I should have just accepted Kuya Allen's offer to drive me here. Lalo pa't ganito umasta si Alas.

"Just tell me if you don't want me to attend!" pairap na sabi ko.

"Bibitiwan kita pero hindi ka iinom ngayon." he traded. Hindi makapaniwalang tumingin ako sakanya. Is he being serious? Party 'tong pinuntahan namin at nagkalat lang ang inumin, may after party pa kaya napakaimpossible naman ng gusto niyang mangyare.

"Hindi nalang sana tayo pumunta!" I'm seriously losing my patience. Kanina pa siya ganito. Parang gusto ko siyang batuhin ng hawak kong pouch o iuntog sa manibela sa inis ko sakanya. Hindi ko na nga siya nakita bago ang araw na 'to tapos bubwesitin niya pa ako ng ganito!

"Let's go back then." he said ready to drive his car back to his condo. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong hindi batuhin ang pouch sakanya. I even stomped my foot because of my frustrations. Naiiyak na rin ako sa sobrang inis.

Kinuha niya ang pouch na binato ko at marahang binalik sa mga hita ko.

I glared at him.

"You drink and I'll fucking announce our relationship." seryoso at nagbabantang sabi niya. Tuluyan na akong naiyak sa sobrang inis ko at hinampas ang braso niya gamit ang kanang kamay ko. Umawang ang mga labi niya at nagtangkang hawakan ang mukha ko pero umiwas ako at hinampas-hampas pa siya.

"I hate you!" lumamlam ang mga mata niya at masuyong hinawakan ang mukha ko.

This time, I let him.

"Why is my baby crying?" he asked like he's talking to a toddler. Nangigigil kong kinagat ang daliri niya.

"Nakakainis ka!" he's just looking at me, hindi iniinda ang daliring kinagat ko at walang sinasabi.

"Bitiwan mo na ako dahil gusto ko ng kumain, Alas! Kanina ko pa iniisip ang handa ni Ingrid." gusto ko ng magpapadyak para makita niyang gustong-gusto ko ng pumasok sa loob. Umangat ang sulok ng mga labi niya na kalaunan ay itinawa niya. He looks so amused. He tried to suppress his laughters but he just couldn't. I saw how hard he tried to bite his lips but he's so amused for the reason I gave him!

"Didn't we eat before leaving the condo?" namamanghang tanong niya.

Tumango ako.

Naalala ko na naman ang kinain naming sisig kanina. Naglalaway ako! For sure walang sisig sa handa ni Ingrid.

"Sa Condo mo ba tayo uuwi mamaya?" tanong ko na walang ibang nasa isip kundi ang sisig na hindi namin naubos kanina.

"If you want to. But we can just check in nearby." umiling ako sa huling sinabi niya.

Walang sisig sa Hotel!

"Sa condo tayo!" pinal na sabi ko. He nodded.

He didn't let go of me until I gave him the assurance that I won't even sip a drop of alcohol. Not that he'll see me drinking! I just agreed to his stupid idea of not drinking to finally go inside.

Who doesn't drink in a party? Not Aldreda Celestia!

Nang tuluyan niya na akong bitiwan ay mabilis akong lumabas ng sasakyan niya at pumasok sa loob ng bahay nina Ingrid. I instructed him to follow after ten minutes para hindi kami mahalata. I made sure na walang nakakita sakin na bumaba ng sasakyan niya.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon