"Umuwi na tayo, Lucian." natataranta at desperada niyang aya sa asawa. Nakita ko ang panlalambot sa ekspresiyon ng mukha ni Alas. Lumapit siya kay Ingrid at inalo ito. Natatakot na yumakap sakanya si Ingrid. Ang sakit nilang pagmasdan. Kitang-kita ko ang pag-aalala niya para sa kaibigan ko. Parang sanay na sanay na sila sa isa't-isa. Parang kanlungan na nila ang bawat isa. Alas cares for Ingrid. Hindi ako penepeke ng mga mata ko, pati ng pakiramdam ko.
"Hussh. We're going home." marahang alo niya dito. Parang gawain niyang aluhin si Ingrid. Tumingin sakin si Alas at parang may gustong sabihin pero hindi magawang magsalita dahil maririnig ni Ingrid. He looks torn. Nangungusap ang mga mata niya, tila nagmamakaawa na sakin. Umiwas ako ng tingin. Gustuhin ko mang pagmasdan siya ng matagal at pawiin ang pangungulila ko ay alam kong kasalanan na iyon ngayon. I can't do it anymore, not with his wife on his embrace nor on her absence.
"Let's go, Rosh." nanghihinang aya ko. I have to hold her tight to refrain myself from shaking. Pakiramdam ko ay manlalambot ako anumang oras.
"Eda." he called. I automatically stopped like I am programmed to, pero hindi ako lumingon. I don't know if he's torn or what. Parang may gusto siyang gawin pero hindi magawa dahil nandyan si Ingrid.
"Eda." he begged. Nilingon ko siya. He still has the same emotion. Hindi kita maintindihan, Alas! Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa akin. Nang wala siyang sabihin ay muli akong tumalikod at naglakad. Hindi na siya tumawag pa ulit.
Pagkapasok sa sasakyan ay parang doon lang ako nakahinga. Hindi ko nga alam na nagpipigil na pala ako kanina pa. Hinihingal ako at nanginginig.
"Iuuwi na kita." may bahid ng pag-aalalang sabi ni Rohesia. Tumango lang ako, hindi na kayang magsalita pa.
Nakatingin lang sa sasakyan si Alas na para bang nakikita niya ako sa tinted na salamin. Nakatayo siya, inaalo ang asawa pero nakatingin lang sa sasakyan hanggang sa hindi ko na siya matanaw pa.
Ang dating penthouse ni Alas ay nagbibigay ng comfort at sakit at the same time. Comfort because this has been our love nest. Dito ko naipadama sakanya ang pagmamahal ko. This place saw us inlove. Sakit, dahil sa katotohanang pinakawalan niya ito dahil ayaw niyang mabuhay sa alaala ko. Parang ayaw niya na akong isipin pa. Kaya siguro mabilis lang para sakanyang mag-asawa dahil naiwala niya na agad ako sa alaala at sistema niya. Sana kagaya niya ay ganun lang din sakin kadali. Fell inlove with someone else, build a family and moved on. Kasi sobrang hirap sa parte ko. My mind forgot about him but my system did not. Patuloy siyang nanalaytay sa buong pagkatao ko.
When I was struggling to get back my lost memories, he was busy erasing ours. And I know, it will take me a long time before I can finally moved on. We had the shortest time to be together but the love was so deep and rooted.
I had a realization, I don't hate him at all. It was just a facade. I was just in denial. I can't accept to be inlove with someone connected to the people whom I believe did us wrong. Sa bawat pagkikita namin ay hindi pagkamuhi at disgusto ang nararamdaman ko sakanya. It is the feeling that I chose to deny. I like the first born of Andres De Grano. Gusto ko 'yung hilatsa ng pagmumukha niya, ang awtoridad ng pagkatao niya at kung paano siya makihalubilo at makisama. 'Yung kakaibang pakiramdam kapag nakikita siya, it's not hate. Sobrang layo sa pagkamuhi iyon. The familiar beating of my heart everytime I see him, everything fades when he's around, his manly perfume that lingers in my system, it's surely not hate. I always noticed him even in the pool of people. He stands out. His presence couldn't left unseen. Kahit hindi makita ay mararamdaman. He always make sure that he's noticed. Natabunan lang siguro 'yon nang makilala ko si Harrison. At doon ko mas isiniksik na galit ang nararamdaman ko para sakanya at wala ng iba. That it's crazy to like him. It's crazier to fell inlove with him.
BINABASA MO ANG
Love Against Us
BeletrieAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...