I thought it will end with only Lalela in the grocery area, but as soon as I turned to my right, a couple caught my attention. Kagaya nang nakita ko sa labas ng munisipyo, they both look happy. Si Alas ang nagtutulak ng cart habang si Ingrid ay nakahawak sa braso niya. May pinag-uusapan sila na parang interesante dahil nakangiti pa si Alas habang nakikinig. He looks like a patient and a good listener type of husband. Parang hindi naririndi sa dami ng kwento ng asawa.
Nanlabo ang mga mata ko.
The days of trying to move on vanished. Ngayong nakikita ko sila, masaya, parang nawalan ng saysay ang pagpipigil ko sa sariling isipin sila. Sa pag-iwas ko ng tingin ay siyang pagtulo ng mga luha ko.
"Fuck." I heard Helius cursed. Pinaharap niya ako sakanya at masuyong pinunasan ang mga luha ko. Panibagong emosiyon na ang gumuhit sa mga mata niya. Wala na ang galit para sa babaeng nakita kanina. Kung galit siya ngayon ay alam kong ibang tao na ang rason.
"Don't let them see your tears." masuyong alo niya. I bite my lower lips to suppress my sobs. Nagyuko ako ng ulo. Hindi ko ata kaya.
"Look at me, Eda." he lifted my chin up. Nagkatitigan kami. Puno ng pag-iintindi ang mga mata niya para sakin. Mas nangingibabaw iyon kesa sa galit. "Act like you did not see them. Can we do that?" hirap akong lumunok bago lumingon sa direksyon ng dalawa. Wala na sila doon at nasa may mga sabon na. Marahan akong tumango. Tipid siyang ngumiti, ginaya ko iyon.
"Let's continue buying our stuff?" may pag-iingat na tanong niya. Muli akong tumango. Nanatili sa bewang ko ang kamay ni Helius, this time, tighter. Parang pinaparamdam niya na nandito lang siya sa tabi ko at kakayanin kong harapin ang mga tao sa nakaraan ko.
"Ang panget mong matulala kaya iwasan natin 'yon, hm?" hindi ko napigilang ngumiti, hindi na pilit kagaya kanina. I appreciate him making the mood lighter. He's really my sunshine.
"Naalala mo kung ilang beses akong napagalitan ni Nana Linda sa tuwing sumasakit ang ulo mo?"
"Hindi ko na mabilang sa dami." natatawang sabi ko nang maalala iyon. "Ang tigas kasi ng ulo mo! Sinabi nang 'wag gagawa ng mga bagay na pwedeng mag-trigger sa alaala ko pero ginagawa mo pa rin. Kulang-kulang nalang ay paluin ka ng mag-asawa." natatawang sabi ko. He smirked.
"I can't help it."
"Sabihin mo, gusto mong nakikita akong nasasaktan."
"That wasn't my intention." he defensively said. Inismiran ko siya habang kumukuha ng chips.
"Looks like someone can't get the chips." asar niya nang hindi ko maabot ang malaking chips na nasa pinakamataas na estante. I jumped but still no vail. Napasinghap ako nang hawakan niya ang bewang ko at itaas ako. Kahit gulat ay nagawa ko pa ring kunin ang chips. Dalawang malaking chips ang hawak ko.
"You don't have to do that!" angil ko sakanya. He smirked.
"Ang liit mo kasi." hinampas ko ang dibdib niya dahil sa inis. He chuckled and grabbed my waist. Muntik na akong sumubsob sa dibdib niya. Itong lalaking 'to ang nagbibigay sakin ng mixed emotions. Literal na mixed emotions!
Sa pagbaling sa unahan ay umawang ang mga labi ko. Nakatigil silang dalawa na para bang kanina pa kami pinagmamasdan. Halos sabay na bumaba ang mga mata nila sa kamay ni Helius na nasa bewang ko. Hindi kagaya kanina nang makita ni Lalela ay iba ang naging reaksiyon ko. Ipinulupot ko rin ang kamay ko sa bewang ni Helius. My other hand rested on his stomach. I felt Helius' lips on top of my head.
"Helius." Alas acknowledged his name with resentment and disbelief.
"Lucian." malamig na bati pabalik ni Helius na para bang isang kasalanan na banggitin pa ang pangalan nito pero ginawa pa rin dahil naunang bumati ang lalaki. "Ingrid." baling niya sa asawa ng kaibigan. Umawang ang mga labi ni Ingrid. Her old self would be ballistic hearing her love of her life calls her name. People changed. Hindi na ganon ang naging reaksiyon niya. Tipid itong tumango dahil hindi nagawang magsalita ng bibig. Alam kong may mga tanong siya ngayon pero alam ko ring wala siyang karapatang magtanong sa amin ngayon.

BINABASA MO ANG
Love Against Us
General FictionAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...