CHAPTER 40

13.3K 190 51
                                    

Marami kaming napagkwentuhan ni Rohesia. Her life after finding out that I died. Her relationship with my brother. The lost connection with Ingrid and the people involve in my accident. Ang dami pala talagang nangyare nang mawala ako. Akala ko nagmove on lang sila at pinagpatuloy ang buhay. Ang laki pala ng naging impact ng nangyare sakin sa mga buhay nila.

"You used my death to flirt with my brother, huh." humalakhak siya.

"I was really mourning, Aldreda! Hindi ko naman enexpect na icocomfort ako ng kapatid mo. Ayon, nagdamayan kaming dalawa." mas tumawa pa siya. Nailing nalang ako. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Still the Rohesia I know.

"Breakfast is ready." tawag ni Kuya Allen samin ng girlfriend niya. Mukhang magiging sister-in-law pa ata kami. Hindi ko talaga naisip na posible pala talagang mangyare!

Sabay kaming pumasok sa kusina at nakahanda na nga ang agahan doon. Ipinaghila ng upuan ni Kuya Allen si Rohesia and the latter is looking at me like she's holding my brother around her palm. Napailing nalang ako.

"What's your plan, Eda?" tanong ni Kuya pagkatapos sumimsim ng kape.

"I want to see Alas." siguradong sabi ko. I can't be hindered with my plan. I just want to see him. If I see him already happy with Ingrid, hindi na ako magpapakita pa sakanya. Sapat nang makita siya para maibsan ang pangungulila ko sakanya.

"I don't think it's safe for you." seryosong sabi niya, may bahid pa ng galit.

"He's m-married, Kuya. Hindi na ata ako pagkakainteresan ni Andres De Grano ngayon, and he's getting exposed by Henry. Hindi magtatagal ay makukulong siya."

"I'll make sure he'll be jailed." mariing sabi niya.

"Will you be okay, Eda?" may bahid ng pag-alaalang tanong ni Rohesia.

"Kailangan, diba?" lumamlam ang mga mata niya. "Gusto ko lang siyang makita. Kasi sobrang miss ko na siya. Hindi ako gagawa ng isang bagay na pwedeng ikasira nila ni Ingrid." a lone tear cascade from my left eye.

"Sasamahan kita." marahan akong tumango kay Rohesia.

They didn't let me go back to Helius' unit. Dumating din sina Helius at kinausap sila ni Kuya Allen. Helius even received a punch from my brother, na tinanggap niya lang. He didn't say anything, letting my brother burst out his frustration and anger for hiding me from him. After that, they talked about their plans and actions to get the justice I deserve. Magkatabi kaming natulog ulit ni Rohesia. I missed having someone I'm closed with. Ang sarap sa pakiramdam.

Tanghali na nang dumaan kami sa Doctor ko para ipacheck ang kalagayan ko. I undergo tests and it revealed that I am well. Sumama sina Helius dahil hindi napigilan ang pag-aalala. Pero nang makitang ayos lang ako ay hindi ko na hinayaang sumama pa sila sa lakad namin ni Rohesia. We're going to see Alas. Even with a distance.

Rohesia is driving her car to Quezon Province. Nasa Munisipyo daw si Alas ngayon. Mag-aabang lang kami sa labas. Patapos na ang term niya. Mag-eeleksiyon na naman. I wonder if he's going to run for the Governor's position again. May isang term pa siya sa pagiging Gobernador. Pwedeng sa mas mataas na posisyon na siya tumakbo lalo pa kung iyon ang plano ng ama niya.

Hindi ko magawang magalit kay Alas kahit pa noong nalaman kong ama niya ang naging dahilan kung bakit nawala ang anak naming dalawa. I didn't put him accountable. Maybe because he assured me so much of his love. Alam kong wala din siyang alam sa ginawang iyon ng ama niya. I am curious how he reacted when he found out that his father was the reason why I died, in their eyes. Nagalit kaya siya? Anong ginawa niya?

"Let's just wait here." I heard Rohesia said. She parked her car hindi kalayuan sa munisipyo. Sa distansiya ay kitang-kita ang papasok at lalabas ng munisipyo. Nakafocus lang ako sa entrada ng munisipyo, waiting for a specific person to come out. Ilang minuto pa kaming naghintay at madaming tao na ang lumabas at pumasok sa munisipyo pero hindi pa lumalabas si Alas.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon