CHAPTER 44

13.7K 174 25
                                    

Tahimik ako pero pinaparamdam ko sakanya ang galit ko. Naiwan ang isip ko kay Helius. Ano na kayang nangyayare sakanila doon? Sana walang masamang nangyare sakanya pati na rin kay Lalela. I remembered Alfio as a funny and full of story type of person. What happened to him? Bakit niya sinaktan ang asawa niya?

Pamilyar ang daang tinatahak namin. May pakiramdam na ako kung saan niya ako dadalhin. Hindi ako kumibo buong byahe. Wala akong pakialam kung mapanisan ako ng laway sa tagal kong walang imik. Hindi rin naman siya nagsasalita at mukhang pinapakiramdaman lang ako.

Tama nga ako nang pumasok ang sasakyan niya sa pamilyar na gate. Walang nagbago sa exterior ng bahay niya. It's the same. Naghahari ang puti at brown na kulay. He still has a heavy security na alam kong walang makakakusot kapag may tumangkang pumasok nang walang pahintulot.

Tumigil ang sasakyan at ramdam ko ang tingin niya sa akin. Hindi ako lumingon sakanya at pinanatili ang mga mata sa unahan. I heard him heave a sigh. Now, what? Dadalhin niya ako sa bahay niya para ano?

I silently gasped when I touched my phone in my pocket. Hindi ko nga pala iyon nilagay sa sling bag ko na na kay Helius para mabilis kong masagot kapag tumawag si Kuya Allen. Tatawag ako kay Helius mamaya.

Hindi ko namamalayang nakalabas na pala si Alas kung hindi niya pa ako pinagbuksan ng pinto. Sinamaan ko siya ng tingin bago bumaba.

"Bakit mo 'ko dinala dito?" tumitig siya sakin ng matagal, ganun din ako dahil naghihintay ako ng sagot mula sakanya.

"Welcome back home, Eda.." umawang ang mga labi ko. Masyadong magaan ang mga titig niya sa akin na kinailangan kong umiwas ng tingin. I was taken aback because I wasn't expecting that from him. Wala sa sariling napaatras ako nang tangka niya akong hawakan. Nabitin sa ere ang kamay niya. Bumalandra ang sakit sa mukha niya.

"Iuwi mo na ako." I said trying not to be affected by his previous words. "Baka hinahanap na ako ni Kuya Allen. And Helius needs me.." dagdag ko pa.

"I need you too." I bit the inside of my cheeks. Bakit ganito siya kung makapagsalita? Hindi ba pumapasok sa isip niya na may asawa siya? Na magkakaanak na siya? Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Looking for his wedding ring. Pero imbes na ang singsing ang pagtuonan ng pansin ay sa tattoo niya nagtagal ang paningin ko. Nandon nga ang pangalan ko. Gaya nang sinabi ni Helius ay maliit lang ang mga letra pero dahil magkalapit kami ay malinaw ko iyong nakikita. I stepped aside when he tried to hold me again. Muling nabitin sa ere ang kamay niya.

"Gusto ko nang umuwi, Alas." mariin at desisidong sabi ko. My presence here is not right. It feels so wrong to step in the property of a married man.

"Iuuwi kita. May mga tanong lang ako." marahang sabi niya.

"Iuwi mo na ako at saka na 'yang mga tanong mo. Hindi tayo dito mag-uusap nang tayong dalawa lang at mas importanteng masiguro kong ayos lang si Helius."

"Tatawagan natin siya mamaya." he assured me. Umiling ako. Hindi dahil wala akong tiwala sakanya kundi dahil maling nandito ako. Hindi dapat.

"Itigil mo na ang kung ano mang balak mong gawin. This is not right." nakipagsukatan ako sakanya ng tingin pero agad ding nag-iwas nang lumambot lang ang mga tingin niya sakin.

"What's not right for wanting to know what happened in more than two years, Eda?" may hamon at sakit sa tono niya.

"Would it make a change? Pareho na tayong may buhay sa labas nang naging relasiyon nating dalawa. Kung ano mang nangyare sa akin sa mahigit dalawang taon, makakapaghintay iyon. I will tell you everything.. with the people involved. Just not today. Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nasisigurong maayos si Helius." hindi ko na sigurado kung ang kalagayan ba talaga ni Helius ang inaalala ko ang katotohanang may asawa siyang tao.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon