Sapilitan akong hinila ni Kuya Allen palayo kay Alas. Nagpumiglas ako mula sa hawak niya pero halos kaladkarin niya na ako palabas ng bahay.
Napasinghap ako nang maalerto ng mga Guwardiya ni Alas. Someone closed the gate at humilera sila doon. Nalingunan ko si Alas na sumunod pala samin. Mukhang senenyasan niya ang mga tauhan na huwag kaming papalabasin.
Kinakabahan na ako. Kita ko ang sobrang galit sa mukha ni Kuya Allen, ganun din kay Helius. I know any minute ay magkakasakitan ulit sila. Dehado ang dalawa lalo kung kumampi ang mga tauhan ni Alas.
"You are trespassing." Alas said. Kuya Allen laugh humorlessly.
"And you fucking kidnapped my sister. How does it sounds, Governor De Grano?" sarkastikong sabi ni Kuya. Tumiim ang bagang ni Alas.
"Kuya, please." pakiusap ko. Sumama ang tingin niya sakin.
"The guy is making you his mistress, Aldreda! Don't you have a pregnant wife waiting for you, Lucian?" muling baling niya kay Alas pagkatapos akong pasadahan ng tingin.
"The more you need to let Aldreda be with me. We have things to discuss, Allen." umiling nang mariin ang kapatid ko.
"Open the damn gate, Lucian. Iuuwi ko ang kapatid ko. Wala kang magandang maidudulot sakanya." mas dumiin ang hawak ni Kuya sa braso ko. Hindi natinag ang mga tauhan ni Alas. They're still blocking the gate.
"Open the gate, Alas. Saka na tayo mag-usap." nagsalita na ako. Gusto ko nang matapos 'to. Masyado nang malalim ang gabi para sa mainit na tagpong ito.
"They won't let me see you after this. I won't risk it, Eda." lumambot ang ekspresiyon niya nang bumaling sa akin.
"Ako mismo ang pupunta sayo." I assured him. Wala akong narinig na alma mula sa kapatid ko. Mukhang sinakyan nalang ang sinabi ko para makalabas na kami. He heave a sigh before nodding. Naglakad siya palapit samin. Inabot niya ako pero hindi ako binitiwan ni Kuya Allen.
"I'll wait for you." tumango ako. Binitiwan niya ako at senenyasan ang mga Guwardiya. Gumilid ang mga tauhan niya at may nagbukas na ng gate.
"The next time you want to see my sister, fucking inform me. Do not fucking kidnap her like a fucking syndicate." sabi ni Kuya Allen bago ako inakay palabas ng gate. Naiwan kay Alas ang mga mata ko. Nakatingin lang siya sa akin hanggang sa maipasok na ako sa loob ng sasakyan.
Tahimik ako buong byahe. Hindi rin umiimik si Kuya Allen pati na rin si Rohesia. Nasa sasakyan ni Helius naman si Lalela. Pagdating sa tower ay nauna akong pumasok sa elevator. Sumunod sila at tahimik pa rin. Wala pa sina Helius na gusto kong ipagpasalamat. Ayokong makipag-usap ngayon. I'm too tired. Inaantok na ako. Una akong lumabas. Akmang susunod si Kuya Allen pero pinigilan siya Rohesia.
"Let her rest. Bukas mo na siya kausapin." pigil niya kay Kuya. Tumingin muna sakin ang kapatid ko bago siya tumango. Hindi na ako nagpaalam at walang salitang tinungo ang unit ko.
Pagkapasok sa loob ay nanghihina akong naupo sa couch. Bumalik sakin lahat nang mga nangyare. Inuusig ako ng konsensiya ko. Natatakot ako sa magiging reaksiyon ni Ingrid. She's pregnant and I don't want to compromise her safety.
I'm sorry.
Sa sobrang pagod at antok ay hindi ko na nagawa pang pumunta sa kwarto ko at doon magpahinga. Sa couch na ako inabutan ng antok.
Nagising akong masakit ang katawan dahil sa pagtulog nang nakaupo. Tumayo ako para sana lumipat sa kwarto para doon ipagpatuloy ang pagtulog pero napasinghap ako nang makita kung sino ang nasa loob ng unit ko, nakatayo sa may pinto at parang kanina pa ako pinagmamasdan.

BINABASA MO ANG
Love Against Us
General FictionAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...