Chapter 3

39.3K 1K 457
                                        

Bumukas ang aking mga mata ng maramdaman ang pag tama ng liwanag ng araw sa aking mukha. I groaned and moved to avoid the sun ray.

Kumunot ang noo ko at tinitigan ang kulay puting paligid. Ilang beses akong kumurap hanggang sa mapagtanto na nasa isa akong kwarto ng estranghero. Mabilis akong bumangon at tiningnan ang suot ko sa ilalim ng kumot.

H-hindi nabago ang suot kong damit, wala ring masakit sa aking katawan maliban sa likod ko. Lumunok ako upang alisin ang laway na humaharang sa aking lalamunan at muling pinagmamasdan ang paligid.

Thanks god, hindi niya ako ginalaw.

Bumangon ako at sumilip sa may bintana. Napakaraming mga sasakyan, mula rito sa aking pwesto ay nakikita ko ang dagat sa hindi kalayuan. Inangat ko ang kamay at kinagat ang aking kuko bago naisipang buksan ang pinto, tahimik ko lamang itong ginawa.

Hindi ako sigurado kung nandito pa siya, kailangan kong mas mag doble ingat. Hindi man niya ako pinilit kagabi pero kahit na anong oras ay maaari niya akong mapag samantalahan. Sinilip ko ang labas, napaka tahimik. Wala akong maramdaman na presensya ng kung sino.

Nilingon ko ang orasan, six am pa lamang, pero bakit parang masyado ng maliwanag ang paligid kaagad?

Kumibit balikat ako at pinagmamasdan ang paligid. Sa bawat gilid ay mayroong mga minimalist paintings, ang naka kuha sa aking atensyon ay ang nag iisang picture frame sa gilid.

Lumang litrato ng isang magandang babae at lalaki-- mukhang mag asawa silang dalawa at ang lalaki sa gitna-- paniguradong siya ito. Mayroong maliit na papel na naka dikit sa loob, yumuko ako upang basahin 'yun.

"Cardan... Cardan Ismael Grimaldi."

C-Cardan? Cardan Grimaldi? Hindi ko maitatanggi na napaka ganda ng kaniyang pangalan, makapangyarihan lalo na pagdating sa kaniyang apelyido.

Dumako naman ang aking tingin sa hapagkainan, nakita kong may naka handa na roong plato na may takip. Mukhang pagkain na ine-reserba para sa akin.

But I could not eat it, I should not accept foods from strangers. Hindi ko alam kung ano ang inilagay niya riyan.

Nang makita ang pinto ay tumakbo ako at hinawakan ang door knob upang buksan 'yun, laking gulat ko na lamang ng malamang naka lock ito! At talagang sinadya niya ito para hindj ako tumakas?

"Nakaka inis... nakaka inis!"

Sumilip ako sa kabilang bintana. Nag babaka sakaling maaari akong maka lusot pero hindi.

"Tulong! Tulungan niyo ako! Pakiusap, buksan niyo ang pinto!"

Buong lakas kong sigaw kahit pa hindi ko naman alam kung mayroon bang makakarinig sa akin. Pinipilit kong buksan ang pinto pero hindi ko talaga magawa.

Sa sobrang inis ko ay sinabunutan ko ang aking sariling buhok at napapikit ng mariin.

"It's okay. It's okay, Rian. Makaka alis ka rin, just calm down... just calm the fuck down."

Humugot ako ng hininga, inayos ko ang aking sarili at pinilit na kumalma. Wala akong magagawa kung hindi ako kakalma, kailangan kong mag isip ng paraan. Kailangan kong--

Umatras ako ng marinig ang tunog ng susi. Umisang hakbang paatras akong muli ng maramdaman na binubuksan na niya ang pinto. N-nandito na siya?

Naka tulala lamang ako hanggang sa bumungad sa aking harapan ang lalaking naka suot ng kulay puting shirt, putol ang sleeves nito dahilan para makita ang kaniyang muscles. Naka itim siyang shorts at itim na sneakers, kulay puti ang sombrero niyang suot at tumatagaktak ang pawis niya.

Makintab ang leeg at braso niya dahil sa pawis, ang malalim niyang mga mata ay tumitig sa akin. Umangat ang kaniyang kilay.

Nag jogging siya...

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon