Binalot ko sa aking sarili ang kumot. Naka upo ako ngayon sa kama habang yakap ang aking sarili.
Literal na pinahubad talaga ako.
Nagalit siya roon sa damit at sa hoodie. Sinunog niya 'yung mga damit, tinanong pa ni Cardan kung saan galing 'yung hoodie. Nag sinungaling na lang ako na galing 'yun sa kasama kong babae. Baka kung ano pang gawin niya kapag binanggit ko ang pangalan na 'Matthew'.
Alauna na ng umaga at hindi pa rin ako nakaka tulog. Mahigpit niyang pinag bawal na huwag akong mag da-damit hangga't sa hindi niya sinasabi. Kaya ang ginawa ko ay nag takip na lang ng kumot, sinara naman niya ang aircon.
Nananakit ang katawan ko pero wala akong pakialam. Tiningnan ko ang pasa na nasa aking kaliwang braso, ngayon ko lang din nalaman na may pasa ako sa baywang.
Kaya pala masakit ng pag upo ko kanina.
Kumusta na kaya sila? Nahuli kami ng mga pulis, dinala kami sa prisinto. Naabutan ako roon ni Cardan na naka upo katabi si Yuri at Marissa, nakaka pag taka nga dahil bago kami maka alis ay nakita kong dumating doon si Sir Vesper, galit na galit.
Mukhang sinundo yata si Yuri.
Para hindi kami ikulong ay nag bayad si Cardan ng malaking halaga, pero sabi ng mga pulis, kapag inulit namin ang ginawa ay hindi na sila mag dadalawang isip pa na ikulong kami. Sinundo kanina 'yung kambal ng isang lalaki, naiwan naman doon si Daniel.
Nakurot pa ng mama niya sa tiyan, mukhang nasaktan dahil nakita kong napa ngiwi ang lalaki.
Bumuntong hininga ako. Wala akong balak na matulog, hindi rin naman ako papasok bukas sa school.
Isinandal ko ang ulo sa headboard. Ipipikit ko sana ang mga mata ko para mamahinga ng biglang bumukas ang pinto, umatras ako ng makita si Cardan na pumasok.
"A-anong ginagawa mo rito?"
Delikado! Wala pa naman akong saplot.
Kumuha siya ng maliit na upuan at umupo sa gilid ng kama. Gusot ang damit na suot niya, naka suot pa siya ng long sleeve na para bang wala balak mag palit.
"Huwag kang lalapit."
Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa tuhod. Bumuntong hininga ang lalaki, kalmado na siya kumpara sa kanina.
"Give me your hand."
At para hindi na siya mag tagal dito ay binigay ko ang kanang kamay--
"'Yung kaliwa," ibinigay ko ang kaliwa kong kamay.
Maingat niya akong hinila palapit sa kaniya, naramdaman kong hinawakan niya ang pasa ko sa braso kaya napaigtad ako.
"Masakit."
"Kasalanan mo," galit pa rin naman pala siya.
"Oo na, kasalanan ko na. P-pwede bang iwan mo na ako?"
Umiling siya.
"Saan ka pa may pasa?"
"S-sa kanang baywang, bakit?"
Umupo siya sa kama.
Bakit parang palapit siya ng palapit?
"Stay still."
"Teka lang anong gagawin mo?"
Humigpit ang pag hawak ko sa kumot para hindi matanggal, lumapit lalo siya sa akin. Dumikit ang labi niya sa gitna ng panga at tainga ko.
"I'm sorry, I just want you safe. Please don't do that again."
Sasagot sana ako, pero laking gulat ko ng bumaba ang halik niya sa aking braso.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romansa"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
