"Psst, singkit!"
"Bakit, ganda?"
Kakilig ka naman.
"Nasaan si Cardan?"
"Maaga siyang umalis kanina."
Kaya pala hindi ko nararamdaman ang presensya niya o kahit ang boses. Hindi man lang ako hinintay na magising.
"Ah, ganoon ba."
Boring.
Malaki nga ang bahay nila pero boring naman. Parang nababalot ng kalungkutan na hindi ko maintindihan. Kinagat ko ang ibabang labi at tiningnan ang pangalawang sala. Itim na sofa, mas maraming picture frames dito kaya lumapit ako para tingnan 'yun.
Sumunod sa akin si singkit, sakto naman na nag lilinis dito si Yolly.
"Dami nilang picture frames, mahilig sila mag pakuha ng litrato?"
"Hindi, si Madam Clarita lang ang may gusto."
Bigla ko siyang nilingon ng mag banggit siya ng pangalan.
"Madam Clarita?"
Tumango ito at nag simula na ring tumingin sa mga picture frames. Tiningala ko ang isang litrato. Ito 'yung pinaka malaki, as in malaki. Mas malaki pa yata sa tv nila.
Naka upo 'yung mama ni Cardan habang naka upo siya sa kandungan ng babae. Naka tayo naman ang papa niya, sa lahat ng pictures ay naka simangot lang siya at ang papa niya habang ang babae ay matamis ang ngiti.
Napaka ganda niya talaga.
"Oo, si Madam Clarita. Siya ang mama ni Cardan. Ang ganda niya, 'diba?"
Tunay akong tumango. Hindi ako nag sisinungaling. Kakaiba ang ganda nitong si Madam Clarita. Parang may kakaibang meaning din kasi ang pag ngiti niya. Lumapit ako sa isang painting. Painting na at hindi litrato.
Mukhang makalumang painting, si Madam Clarita rin ang nandito.
Mukha tuloy siyang painting noong sinaunang panahon.
"Sobrang ganda, mukha siyang anghel."
"Naaawa ako riyan kay Madam Clarita, naabutan ko pa siya ritong buhay noon."
Kumurap ako at hindi siya tiningnan. Nakaka adik titigan ang mga litrato ng mama ni Cardan. Parang may kakaibang impact sa akin, nasisiyahan ako na para bang nalulungkot din at the same time. Hindi ko alam kung bakit.
Doon sa isang picture ay hawak niya ang batang si Cardan, naka ngiti siya pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat sa pakiramdam.
"K-kailan siya namatay?"
"Last month lang, 'yung time bago mo nakilala si Cardan."
Parehas lang naman pala kami.
Namatay din si mom bago ko nakilala si Cardan. 'Yung time na dinala ako sa Casa ay nag luluksa ako sa halos na mag kasunurang pagkamatay ng mga magulang ko.
"A-ano namang pangalan ng papa niya?"
"Emilo, Emilo Grimaldi. Namatay naman ang papa niya noong fourteen years old lang si Cardan. Nag karoon ito ng malalang sakit."
Parehas ko lang din pala siya.
Parehas kaming nangungulila sa mga magulang namin.
"H-hindi ba may isa pang picture na naka taob doon sa isang sala? Bakit hindi 'yun inaay--"
"Pasensya na sa pakiki singit, pero mahigpit na ipinag babawal ni Sir Cardan na huwag daw 'yung aayusin at hayaan lang na naka tumba," nag salita si Yolly. Kasama na namin siya ngayon ni singkit.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romansa"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
