This is not edited kaya pasensya na sa mga maling spellings. By the way, this is my last update for this morning. Mamayang gabi ako ulit mag pu-pub. Salamat ng marami!
***
"Ganda."
Hindi ko siya pinapansin.
"Psst, ganda!"
Nag papatuloy lang ako sa pag aayos ng aking sapatos. Hindi ko siya kinakausap simula kahapon, galit ako sa kaniya. Dahil sa kaniya nakuha 'yung first kiss ko, may sugat pa nga ang labi ko kaya hindi ako masyadong maka-kain ng maasim.
"Sungit mo naman. Nasaan ang lumpia ko, ganda."
Huwag niya ako tinatawag na ganda riyan, baka nakakalimitan niyang sinumbong niya ako kay Cardan.
Chansing din ang lalaking 'yun. Naka gawa lang ako ng kasalanan bigla ng nilamukos ang labi ko ng halik. Baka sa susunod na maka gawa ako ulit ng kasalanan ay--
"Alis na ako."
Nilampasan ko siya at hindi na nag salita pa ang lalaki.
Dalawang araw ko na siyang hindi pinapansin pati na rin si Cardan. Ang lalaking 'yun, ninakaw ang first kiss ko. Mabuti na kang naka tulog ako noon na umiiyak. Ang kaya lang ay naka tabi pala siya sa akin matulog. Naka yakap sa baywang ko at naka siksik ang mukha sa batok ko.
Kaya pala sabi ko parang may kung anong tumutusok sa binti ko, balahibo pala ng paa niya. Pinipilit niya akong kausapin kahapon pero iniiwasan ko rin siya. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yun.
"Saan ka pupunta, ganda?"
"Sasabay ako sa kaklase ko."
"Anong--"
"Rian! Hindi mo sinabing dito ka pala naka tira sa Grimaldi street! Papa mo si Cardan?"
Napa simangot ako ng marinig ang boses ni Granada sa labas ng bahay. Bigla namang napa ubo itong si singkit. Nag lakad ako paalis at nakita kong nandito na sila sa loob habang iniwan nila ang kotse sa may gate. Nandito silang lahat!
Si Granada, si Marissa, si Yuri at 'yung kambal. Akala ko si Yuri at Granada lang ang pupunta sa akin?
"Rian! Saan ka pupunta?" Humabol sa amin si singkit at nakita kong napa tingin si Marissa sa lalaking nasa likod ko.
"Siya ba si singkit?" Tumango ako. Inalog niya ang nananahimik na si Yuri. "Ang pogi! Chinito!"
"Sa kanila nga ako sasabay, ulit-ulit?"
Inirapan ko ang lalaki.
"Isusumbong kita kay Cardan."
Pinandilatan ko siya ng mga mata.
"Subukan mo, ipapakain ko 'yung panis na lumpia sa iyo."
Umatras siya at biglang napa lunok. Umalis kasi ng maaga kanina si Cardan kaya naisipan kong mag me-message kay Yuri na sunduin ako rito.
"Dito nag tatrabaho ang ate ko," oo nga pala, ate niya si Yolly.
"Talaga? Nasaan?"
"Nasa loob si Yolly, halika na." Inaya ko silang umalis pero kaagad na pumigil itong si singkit.
"Huwag, Rian! Baka maparusahan ka nanaman ni Car--"
"Parusa? Anong parusa?" Sumingit si Granada.
Tinitigan nila akong lahat hanggang sa bumaba ang tingin nila sa labi kong may sugat.
"Sinuntok ka niya, Rian?" Sambit ni Nathaniel at pilit na tinitingnan ang labi ko.
"Ha? H-hindi ah. Kinagat lang ng ipis."
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
