Naka titig ako ngayon sa uniform na nasa aking harapan.
Isa itong plain white blouse with the logo of the school, naka lagay ang logo sa left side chest ng blouse. Nakikita ko na rin ang aking id, kinunan ako ng litrato noong nakaraang araw, hindi naman ako aware na mabilis na nagawa ito. Kulay green naman ang skirt, knee length ito.
Hindi ako sigurado kung kasya ba ito sa akin, pakiramdam ko kasi ay medyo sikip sa may bandang hita at pwet. Itim at makintab din na sapatos ang nasa gilid na mukhang kabibili pa lamang.
Pinag handaan talaga, huh.
"That's all, you need anything?"
"M-mga gamit? Bag? Notebook?"
Itinuro ni Azrel ang isang kulay blue na bag na naka patong sa sofa. Nag lakad ako palapit doon at binuksan, bumuka ang bibig ko. May mga gamit na roon, may limang pens, limang notebook. May nakita pa akong wallet sa loob kaya tiningnan ko 'yun.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang laman.
"T-twenty five thousand? Anong gagawin ko rito? Pambayad ng tuition ko?"
Bigla siyang tumawa at umiling.
"No, of course not. Inilagay 'yan ni Cardan. That's your allowance for the first week of your school. Bayad na ang tuition mo."
"Talaga? Magkano ba ang tuition fee?"
"60,908. Don't worry, okay na ang lahat. Papasok ka na lang next week."
"S-sixty thousand?"
"Yeah, kung may kailangan ka pa, tawagan mo na lang ako. You have my number on your phone. Excuse me."
Mabilis umalis ang singkit, nginitian niya muna ako bago mawala sa paningin ko.
Kumunot ang aking noo at muling dumako ang tingin sa aking uniform.
Far Eastern University
'Yan ang pangalan ng school na papasukin ko. Ang sabi ni singkit ay medyo malayo rito sa hotel ni Cardan, pero keri naman since kotse ang mag hahatid at sunod sa akin, atsaka kasama naman siya.
Dinala ko na ang uniform at ibang mga gamit sa kwarto. Maingat ko itong inilapag sa kama. At dahil wala pa naman si Cardan, hinayaan kong naka bukas ang pinto at kaagad na nag hubad upang sukatin.
Maganda naman, komportable sa katawan, hindi mainit ang tela. Walang tastas at maayos din ang pag kakatahi ng blusa. Sunod kong isinuot ay ang skirt.
Napa ngiwi ako.
Sinasabi ko na nga ba! Hapit na hapit sa may hita at pwet ko, pakiramdam ko ay mababastos ako nito-- 'di bale, palagi na lang akong mag dadala ng jacket.
Pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin. Kurbang kurba ang balakang ko na bumagay sa palda, medyo may kalakihan ang hita ko pero maganda namang tingnan since maganda din ang pag kakagawa ng palda. Sunod kong sinuot ay ang sapatos.
Medyo tumangkad ako, may kasama rin palang heels kahit kaunti.
Habang tinitingnan ang sarili ay napunta ang atensyon ko sa pe uniform. Kulay dilaw ang pang itaas at simpleng green jogging pants naman ang pang ibaba.
Hindi ko alam ang school na 'yan since sa probinsya ako nag aral ng first two years ko sa college.
Nang matapos ako sa pag susukat ng damit ay hinubad ko rin kaagad ito, inayos ko ng ito at inilagay sa cabinet. Inayos ko na muna ang aking sarili bago lumabas ng kwarto.
Sakto naman pag labas ko ay nakita ko ang pag pasok ni Cardan. Ang aga naman niyang umuwi.
"How's the uniform?"
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
