Chapter 30

20.8K 659 694
                                    

Pahinga lang ako ng kaunti then update ulit. Thank you!

***

Dala-dala ang aking mga gamit ay isinuot ko ang jacket pati na rin ang hoodie nito. Hindi ako natitigil sa pag iyak hanggang sa sumisinok na ako. Naka tayo sa likuran ko si Yolly na hinihintay ang pag labas ko ng kwarto.

"Tahan na, Rian." Pag aalo nito sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Hindi ba pwedeng bukas na lang?

B-bakit naman kasi gabi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Iniwan 'yung uniform ko roon at may laman pa 'yung ten thousand! Baka kung sino na ang makakuha nun. Pero kung naiwan naman doon, si Matthew at ang iba pa ay sigurado akong kukunin nila ang uniform ko at ibabalik sa akin.

"S-saan ako pupunta?"

Tanong ko ng pumipiyok, hinarap ko siya na ngayon ang mga mata ko ay namamaga na. Simula kasi roon sa ilog ay umiiyak na ako, hanggang sa maka pag bihis at sa pag aayos ng mga gamit ko ay umiiyak pa rin ako. Dalawang bag ang dinala ko, ang isa ay laman ng mga pang ibaba kong damit at panty at bra. Ang isang bag naman ay puno ng pang itaas kong damit.

Hindi ko na dadalhin ang uniform.

Hindi na ako mag aaral.

"Pwede kang maki tuloy sa amin. Mag message ka kay Yuri--"

"Walang tutulong sa kaniya." Mas lalo akong napa iyak ng mag salita si Cardan. Hindi ko pa man naisasara ang aking bag ay hinila at kinaladkad na niya ako pababa na halos madapa na ako.

Masusubsob 'yung mukha ko!

"Anyone who tries to help her will be doomed." Tiningnan niya ako. "Labas."

Tinulak niya ako, hindi ako lumabas sa may pinto. Tiningnan ko siya ng umiiyak.

Bigla akong napa ubo kaya naman bigla ring lumabas ang sipon ko. Muntik ng mag tawanan ang mga maids sa likod. Kaagad kong tinakpan ang kalahati ng aking mukha.

Bwisit, akala ko pa naman ang cute kong umiyak.

"H-hihingi lang sana ako ng tub--"

"Labas." Pag uulit nito.

Parang tanga, hihingi lang naman ako ng tubig.

Nilunok ko na lang ang laway ko sa sobrang uhaw. Wala akong nagawa kundi ang humakbang palabas. Tinalikuran ko na sila. Nag hihintay na si singkit sa may gate, handa ng buksan ito para sa pag alis ko.

Tan tan tanan... mukha akong prinsesa na itinakwil ng pamilya.

Kinagat ko ang ibabang labi at kaagad napapikit ng maramdaman ang malamig na hangin.

"Pagod na ako sa kaniya," ang huling binanggit ni Cardan bago isara ang pinto at ang gate. Nilingon ko ang bahay at nag sarahan na rin ang mga bintana at ilaw.

Talagang pinalayas ako!

Nag patuloy ako sa pag lalakad. Nadaanan ko ang twelve niyang buildings, durugin ko 'yang kompanya niya eh.

Nag lakad ako hanggang sa maka alis sa Grimaldi street. Bahala rin siya sa buhay niya, hindi na rin ako babalik dito kahit kailan.

Pag labas ko ay mas sinalubong ako ng malamig na hangin.

M-masama ba talaga ugali ko? Kaya ba umayaw na siya sa akin? K-kaya ba hindi na rin bumabalik si kuya? Kaya... k-kaya ba nag pakamatay na rin si mom at mas piniling sumama kay dad at iwanan ako?

Naka yuko ako habang humihikbi. Nang mapagod ako sa pag lalakad ay umupo ako sa isang gilid. Mabuti na lamang ay naka pantalon at medyas ako kaya hindi nilalamon ng lamig ang paa ko.

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon