Chapter 10

30.8K 828 206
                                        

"Move."

Mas lalo kong tinakpan ang aking sarili ng kumot, niyakap ko ang unan na nasa gilid, isiniksik ko ang aking mukha sa bedsheet at pumikit ng mariin. Ilang oras na akong naka higa rito pero hindi pa rin ako bumabangon, ilang oras na akong naka higa pero hindi ako naka tulog.

Umiiyak lang ako.

Pag aaralin ba naman niya ako ng hindi muna tinatanong kung gusto ko, nakakasama kasi talaga ng loob.

Alam kong maraming gustong mag aral lalo na sa college, pero may plano na muna kasi ako, eh. Hindi naman ako nag mamadali mag college, ang sabi ko ay mag tatrabaho muna ako pero ayun... he enrolled me immediately na para bang walang bukas.

"Rian."

Malagom at malamig ang tono niya, I can feel his presence beside me. Mabigat, mabigat ang presensya at nalalaman kaagad na hindi siya natutuwa sa ginagawa ko. Bakit ba siya nagagalit?

Hindi ba dapat ako ang magalit at hindi siya? Nakaka inis talaga siya, ibalik na lang sana niya ako.

"Don't test my patience, woman. Bumangon at kumain ka na riyan."

"Ayoko!" Malakas kong sigaw para marinig niya kahit pa naka takip ako ng kumot.

Nauubos na rin ang pasensya ko sa iyo, jumbo hotdog.

Kinagat ko ang ibabang labi, narinig ko ang yabag ng kaniyang paa na mas lalong lumalapit sa akin. Nagulat ako ng isampa niya ang isang tuhod sa kama, at dahil masyado siyang malakas, kaagad niyang natanggal ang kumot.

Nanlaki ang mga mata ko at nilingon siya.

"Ano ba! Hindi mo ba naiintindihan na ayaw nung tao?!"

"Just eat and take a bath first and you can go back to your sleep, 'yun lang inuutos ko sa iyo."

"Sinabi ng ayoko! Bakit ba ang kulit-kulit mo?!"

"Bakit ba ang tigas-tigas mo?"

Hindi man siya sumisigaw pero ang boses niya ay binabalot ng inis. Mas lalo ko siyang tinitigan ng masama.

"Let go! Ano ba, Cardan!" Bigla na lang kasi niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko kaya nag pumiglas ako.

Ang kaso, nahila na niya kaagad ako pababa ng hagdan. Ginagamit ko ang paa ko para pu-mreno mula sa pag kakaladkad niya ngunit sadyang mas malakas talaga siya kumpara sa akin.

"Upo," hindi niya binibitawan ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko sa mesa at upuan.

Meron ng nga pagkain na nakahanda.

"Hindi ako uupo," madiin kong sinabi.

Matigas na ang ulo kung matigas, basta hindi ako kakain. Pinag iinit niya rin ang ulo ko, umagang-umaga.

"Stop being stubborn-- damn it."

Hinilot niya ang gilid ng kaniyang noo. Nakita kong umalis siya saglit kaya tiningnan ko ang lalaki, nagulat na lang ako ng pag balik niya ah meron na siyang dalang duct tape.

"Ano namamang pinaplano mo-- Cardan!"

Bukod sa duct tape ay may hawak din pala siyang tali, idiniin niya ako sa upuan at itinali roon na para bang dinakip niya ako. Nang tuluyan akong hindi maka galaw ay inilagay naman niya ang duct tape sa magkabila kong kamay.

"Pakawalan mo ako! Sinasabi ko sa iyo, Cardan. Kapag ako naka wala rit--"

Hindi ko nanaman natapos ang aking sasabihin ng bigla niya akong subuan ng pagkain. Nanlilisik na ang mga mata kong tinitigan siya, sa bandang huli ay ngumunguya na rin ako.

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon