Warning: Spg
***
"Masakit pa ba?"
Yumuko at nahihiyang tumango, naka uwi kaagad kami. Ginagamot na ni Yolly ang aking noo at tuhod. Kuntento naman na akong sumama pauwi, nalaman ko kasi na maayos ang kalagayan ng mga kaibigan ko. Naka alis daw sila sa kotse, mayroong tumulong, pupuntahan na raw sana nila ako kaya lang pinigilan na sila ni singkit.
Bumuntong hindinga ako, kanina pa ako nandito pero kanina pa rin ako hindi nag sasalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa sobrang hiya, wala na akong mukha na ihaharap pa sa kanila. Pinalayas ako pero babalik ako ulit, may mga sugat pa.
"Pinag alala mo ako, sobrang nag alala kami ni Azrel noong tumawag si Yuri. Bumangga raw ang sasakyan niyo at nagising sila na wala ka. Mabuti na lang at nahanap ka nitong si Sir Cardan."
Lumunok ako ng banggitin niya ang pangalan ng lalaki. Nanginig ang kamay ko na inilagay ito sa loob ng damit. Naka pag shower at naka pag paligo na rin ako.
Mabango na ako ulit!
Hindi ko alam kung dito ba ako matutulog, eh hindi ko naman alam kung niligtas niya ba ako roon. Malay mo papalayasin niya ako ulit.
"Alam mo ba, noong gabi na pinalayas ka ni Sir Cardan ay hindi siya kumain? Hindi rin siya nag almusal pero hindi namin alam kung bakit. Para bang nag sisi siya na pinalayas ka niya."
At nag sisi ako sa ginawa ko.
Hindi pa rin ako nag sasalita at bumuntong hininga na lamang. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Noong sinama niya kasi ako pauwi kanina ay hindi ako umiimik at hindi rin ako nag sasalita. Pero gabi na, saan naman siya pupunta?
"Gusto mo bang kumain? Nagugutom ka na ba?"
Umiling ako sa naging tanong niya. Sa totoo lang ay wala akong gana na kumain.
Hindi pa ako maka get over doon sa nahulog na pustiso, bwisit.
"Iwan na muna kita, ah? Mag hahanda lang ako ng pagkain."
Tinanguan ko siya at pinanood na umalisls, pero saktong pag labas niya ay ang pag pasok naman ni Cardan kaya napa igtad ako.
Ni-lock niya 'yung pinto.
Tumayo ako at yumuko, naka titig siya sa akin kaya hindi ko alam kung saan ako lilingon.
"A-aalis na ako, pasensya na s-sa abala mo." Nag putol-putol pa ang sasabihin ko, kainis!
Mag lalakad na sana ako paalis pero walang gana niyang hinila ang kamay ko. Napa tayo ako sa harapan niya at naramdaman ko na lang na unti-unti na siyang yumuyuko hanggang sa ipatong niya ang kaniyang noo sa aking kaliwang balikat.
Hindi siya nag sasalita, wala siyang iniiwan na salita. Gumalaw ako ng kaunti.
Ang bigat ng ulo niya!
Malalim ang pag hinga niya, hindi ko maintindihan kung bakit. Unti-unting humawak ang kaniyang kamay sa magkabila kong braso. Umangat ng kaunti ang ulo niya at tumagilid hanggang sa mawalan kami ng distansya sa isa't isa.
Sinalubong niya ako gamit ang kaniyang labi. Malambot, mainit, maingat kumpara dati. Maingat ang pag halik niya na para bang natatakot siyang mabasag ang labi ko.
Wow, fragile.
Hindi pa rin ako gumagalaw, mas idiniin niya ang kaniyang labi sa akin at napa singhap ako ng gumalaw na siya sa aking labi. Pinipilit na niya ipasok ang dila sa akin, pero parang may sariling isip ang labi ko, at bumuka ito.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
