Happy 4k reads and 400 followers! Ginugulat niyo ako ng bongga, ah. Hmm, should I make Facebook account so we can chika-chika? Anyway, here's the Chapter 5, enjoy!
***
"Azrel," tumingin sa akin ang lalaki.
"Yes?"
"A-ah, wala. Sinisiguro ko lang kung Azrel ba talaga ang pangalan mo."
Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kaniyang likod, tumayo siya ng tuwid at ngumiti, lumabas tuloy ang biloy niya sa mag kabilang pisngi.
"Azrel King ang pangalan ko, Azrel na lang ang itawag mo sa akin."
Azrel King...
Ang ganda rin naman ng pangalan niya. Kinuha ko ang sling na ibinigay sa akin at pinagmamasdan siyang binubuksan ang pinto ng sasakyan.
Matangkad siya, payat at maputi, itim na itim din ang buhok niya, makapal ang kilay. Singkitan ang kaniyang mga mata at matangos ang ilong, kaunting pag sasalita niya lamang ay lumalabas ang malalim niyang dimples.
Kapag tititigan si Azrel ay mahuhuluan mong friendly siya, ang cute niya rin tumawa, halos nawawala na ang mga mata ng lalaki.
"Teka lang, pinabibigay nga pala ni Cardan."
Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Medyo malaki 'yun, makintab na mapaghihinalaan na bagong bili at hindi pa nagagamit. Hindi na ako nag salita at kinuha na lamang ang phone sa kaniyang kamay. Umikot siya at sumakay sa tabi ko, ng simula ng mag drive ang driver namin.
"Rian, Rian Stewart, tama ba?"
Tumango ako.
"Rian na lang ang itawag mo sa akin, huwag ng Ma'am."
Ngumiti siyang muli at paligim akong humagikhik. Ang cute niya talaga, sarap durugin.
Ilang minuto rin ang byahe bago ko makita ang napaka laking mall, ilang buildings din ang nadaanan bago makarating dito. Pag tingin ko ay maraming tao, maraming mga teenagers at bata. Tiningnan ko ang sneakers na suot ko, okay na 'to. At least may sapin ang paa ko para maka takbo kaagad.
"Baba ka na, Rian. Sasamahan ka namin."
Pag baba ko ay nakita ko ang dalawang kalbo na bodyguards na may malaking katawan, naka tayo silang dalawa sa likod namin at nasa tabi ko naman si Azrel. Bakit kailangan ng bodyguards? Ganoon na ba siya kadesperado na kahit pag pasyal ay gusto niyang may bantay ako?
Iniisip niya bang tatakas ako?
Well, tama siya.
Pag pasok namin sa loob ay pinag tinginan kaagad kami ng mga tao. Sino ba namang hindi? Naka kulay itim na suit ang mga kasama ko lalo na si Azrel, samantalang ako simpleng shirt na puti at shorts lang, hindi bagay sa itsura ko ang pag kakaroon ng mga bodyguards.
Kaagad kaming pumunta sa bilihan ng damit pambabae, naka tayo ang dalawabg gwardiya sa labas habang sumama naman sa akin si Azrel sa loob.
Tinapik ko ang kaniyang braso.
"'Lika, lipat tayo."
"Bakit? Magaganda ang mga damit dito."
Tingnanan niya pa ang isang bestida na naka pwesto sa aking likuran.
"Mahal dito, lipat tayo sa mas mura."
"Pero binigyan ka niya ng black card, wala kang balak na gastusin 'yun?"
Umiling ako at hinila siya palabas.
"Gusto ko ng cash, meron ka? Kahit one thousand lang, hingi ka na lang din sa kaniya."
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
