'Yung pangalan ng dating lalaki ni Madam Clarita ay kapangalan ng dad ko.
Peterson Stewart.
Hindi ko kasi magawang mag tanong kay Cardan. Bukod kasi sa naabutan niya kami kahapon na nag sho-shopping ay hindi niya rin ako pinapansin kahapon pa. Hindi ko alam kung anong problema niya kaya naisipan ko na lang na huwag munang pumasok.
Marami akong tanong na kailangan ko ng mga kasagutan.
"Rian!" Tumatakbo papasok sa gate si singkit habang may hawak na kulay kape na papel.
Pawisan ito at hinihingal, magulo ang kaniyang itsura pero gwapo pa rin. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang hawak niya.
"Ano 'yan?"
Hindi niya na muna ako sinagot, hinila niya ang kamay ko papunta sa likuran at nanatili kami sa may hardin na para bang may gusto siyang ipakita na dapat ay sa aming dalawa lamang.
"Alam ko na kung saan matatagpuan si nanay Selma. Pinuntahan ko siya kahapon sa probinsya, hindi siya nag sasalita. Wala siyang sinasabi pero may ibinigay siyang isang sulat."
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis ja kinuha ang binigay niya. Lumang luma na itong papel, medyo manipis na rin at marumi. Hindi ko alam kung luma na ba itong papel o ganito lang ang design.
"Ano ito?"
"Iyan daw ang pinaka huling sinulat ni Clarita na hindi na rin nakarating kay Peter, natagpuan daw 'yan sa ilalim ng kama. Kaya posibleng nandoon din ang mga sulat na nag mula sa lalaki niya."
Humigpit ang pag kakahawak ko sa papel, kinagat ko ang aking ibabang labi. Gusto ko man tanungin kung ano ang apelyido ng Peter na tinutukoy niya at nila pero hindi ko magawa.
Hindi pa ako handa kung nay matutuklasan man ako.
"Basahin mo na."
"M-mamaya na," umiwas ako ng tingin.
"Kung gusto mong may malaman pa tungkol sa kanila, pupunta tayo kay nanay Selma."
"Pero, baka malaman ni Carda--"
"Ako ang bahala."
Yumuko ako ulit at tinitigan itong papel. May sulat dito, gusto kong basahin pero naisipan kong mamaya na lang.
"M-maraming salamat."
Umalis kagagad ako at pumasok sa bahay. Hindi umalis si Cardan, hindi ko alam kung bakit. Hindi rin siya umaalis ng kwarto niya, itinago ko ang letter sa aking bulsa at kumatok sa kaniyang pinto.
"Cardan?"
Walang sumasagot kaya kumatok ako ulit.
"Cardan?"
Wala talaga. Ano namang ginagawa ng lalaking 'yun? At dahil hindi niya ako pinag bubuksan ng pinto ay napilitan akong pumasok.
Nakita kong naka tagilid siya ng higa habang naka subsob ang mukha siya sa unan. Naka kulay gray siyang jogging pants at nakakulay itim na shirt, hulmang hulma ang braso.
Humakbang ako papasok.
"Cardan, natutulog ka ba?"
Hindi ako pumasok sa school para sa kaniya. Hindi niya kasi ako pinapansin, hindi ko alam kung bakit. Pilit ko rin siyang kinakausap kahapon pag katapos naming umuwi galing sa mall pero hindi niya rin ako tinitingnan.
"Cardan, huy!"
Hindi siya lumilingon, lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya. Pinilit kong tingnan ang mukha niya pero mas isiniksik niya ang kaniyang sarili.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
