Binabasa ko ang comments niyo, hindi lang ako maka pag reply. Haaha. Nalilito ba kayo? Sige mag bibigay ako ng clue. Wala pong nangyaring kabit-an sa mga magulang nila. Wala rin pong may kasalanan sa pag ambush sa dad ni Rian na si Peter. At lalong lalo na na hindi ampon si Rian. Ang funny niyo😭-- Pero ito pa. Isa sa kanila ay bunga ng kasalanan.
***
"Anong nangyari?"
"Huwag mo na siyang kausapin, mukhang nag iisip."
"May isip siya?"
At sa sobrang pag kairita ko ay kinuha ko ang papel at binato kay Granada.
Sapul sa mukha. Ngumiwi siya pero maya-maya lang ay bigla na lamang tumawa, ganoon na rin si Marissa at Nathaniel. Inirapan ko sila.
Wala ako sa mood ngayon maki pag tawanan. Marami akong iniisip. Sunod-sunod na ang araw na nahihirapan akong maka tulog dahil sa mga sinabi sa akin ni singkit. Sumimangot ako at tinitigan na lamang ang bintana.
Wala kaming klase ng dalawang oras pero mas naisipan kong manatili rito sa room. Ang sabi nga nila ay aalis sila, nag-yayaya na mag mall pero noong sinabi ko na hindi ako sasama ay hindi na rin sila tumuloy.
Follow the leader?
"Boring, sama ka na kasi, Rian. Mag ma-mall lang naman tayo. Hindi na tatakas, kakatakot si Grimaldi, eh," iritadong saad ni Granada at umupo sa sahig habang pilit na inaayos ang buhok.
Tiningnan ko siya.
Bakit ba naka tayo 'yang buhok niya? Nilalagyan niya pa ng gel, 'yung design ng buhok niya ay parang mga nausong buhok ng mga elementary students noon.
"Sama ka na, Rian. Mag paalam ka na lang kay daddy mo para hindi ka na mapagalitan." Daddy? Saan naman niya nahugot ang salitang 'yun?
Nakita kong nagising si Matthew, humikab pa ito at tumingin sa direksyon ko. Umiwas ako ng tingin.
"Madali lang ba? May klase pa, ah."
Tumayo si Yuri at nag simulang ayusin ang kaniyang mga gamit.
"Dalawang oras pa, Rian. Halika na."
"Yes!"
At dahil hindi ko na kayang tumanggi sa kanila ay nag simula na rin akong mag ayos ng mga gamit. Para hindi ako mapagalitan ay kinuha ko ang phone at nag text kay Cardan.
Me:
Pssst! Alis ako, sama ako sa mga kaibigan. Punta lang kaming mall, pwede ba?
Walang pang ilang segundo ay naka pag reply siya.
Bilis, ah. Parang walang trabaho.
From Cardan:
Anong oras uwi niyo?
Me:
Mabilis lang, may klase pa kasi kami.
From Cardan:
Bumalik ka kaagad. Si Azrel ang susundo sa iyo.
Napa ngiti ako ng malawak. Success! Pinayagan niya akong umalis kaya wala siyang karapatan na magalit kung sakaling may mangyari.
"Tara na! Nag paalam na ako kay Cardan."
"Yehey! Tara, bilis. Lakarin na lang natin."
Hindi na ako umangal pa. Malapit lang naman kaya pumayag na rin ako. Katulad ng dati, nauuna sa amin mag lakad ai Daniel. Katabi ko si Yuri at Marissa, nasa likod naman namin ang kambal na para bang palaging naka alalay.
"Anong gagawin natin sa mall?"
"May playstation doon, 'diba? Try natin, kain na rin tayo. Sinong manlilibre?"
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
