Umaga na.
Nanatiling naka posas ang kamay ko, pakiramdam ko ay namamanhid na ang aking pulsuhan.
Sa pag kaka alala ko ay nakatulog ako ng naka upo, pero nagising ako ng naka higa na, medyo sumakit ang likod ko pero keri pa naman. Namamaga pa rin ang mata ko kaya nahihirapan akong tingnan ang liwanag na nanggagaling sa bintana.
Pinakiramdaman ko ang paligid, wala bang tao? Pumasok na ba siya sa trabaho niya? Umalis na ba siya? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yun, hindi man lang ako pinakain-- pero sabagay, hindi ko rin naman tinanggap ang sinusubo niya sa akin kagabi.
Sino ba naman ako para mag reklamo.
I just noticed that the things I bought yesterday were stacked on top of the cabinet, doesn't he know how to fold clothes? I rolled my eyes in frustration.
Ang kaliwa kong kamay ay humawak sa aking tiyan, kumakalam na ang sikmura ko. Nagugutom na ako pero pinanindigan ko na hindi ako kakain, hindi ako tatanggap ng pagkain mula sa kaniya. Hindi ko tatanggapin ang pagkain na isusubo niya--
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Cardan. Naka suot na siya ng suit, nakababa ang kaniyang buhok at medyo mahaba ang dulo nito, basa pa ang buhok niya na para bang kapapaligo lamang. Naka sapatos na rin siya, napapikit ako ng maamoy ang kaniyang pabango.
"Good morning," pag bati niya.
Walang good sa morning.
Katulad ng ginawa niya kagabi, umupo siya sa harap ko, lumunog ng kaunti ang kama.
Tinitigan ko siya ng ilang sandali, kumurap ako at napakunot ang noo.
Ako lang ba o... mukha siyang hotdog? Umiling iling ako, baka gutom na talaga ako--
Pero hindi, eh. Malaki ang pangangatawan niya, matangkad-- as in malaki siya sa paningin ko.
Mukha siyang jumbo hotdog.
"Kain na," tumikhim ako ng makita ang laman sa kutsara.
Sinangag at bacon, kusang bumuka ang aking bibig at ipinasok niya ang kutsara sa bunganga ko.
Para bang bigla akong nabuhayan ng malasahan 'yun, ang sarap. Ang tagal na rin pala noong last akong naka tikim ng bacon. Last na naka tikim ako nito ay noong last na pag aalmusal din namin ng pamilya ko.
Sumubo pa ako ulit ng isang kutsara. Namumukol na ang aking pisngi at ngumuya ako.
"Gutom na gutom ka," banggit nito at hindi ko 'yun pinansin.
Hindi ako nag meryenda at nag hapunan kaya talagang magugutom ako.
Sunod ay pina inom niya ako ng tubig.
Nararamdaman ko, sa ilang minuto niyang pag susubo sa akin ng pagkain ay tinititigan niya lang ako. Umangat ang mga mata ko upang tingnan siya. Nilunok ko ang pagkain bago nag salita.
"Alis ka na, may pasok ka pa."
Rude na kung rude pakinggan, pero totoo naman, 'diba? May pasok pa siya, naka ready na nga ang suot niya.
"Ayos lang, mukhang gutom ka pa."
Umiling ako.
"Hindi na, male-late ka na."
He echoed a sexy chuckled and bowed.
"Ako ang boss, walang problema kahit ma-late ako."
"Wala akong pakialam. Alis ka na, baka hinihintay ka na ng mga empleyado mo."
Hindi kaagad ako nakagalaw ng idikit niya ang kaniyang hinlalaking daliri sa gilid ng aking labi, inalis niya ang dumi sa gilid nito at halos hindi ako naka pag salita.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
