Sino ba ang nag susumbong, leche naman!
Sigurado ako, si singkit nanaman 'yun.
"Hindi ka maliligo, Rian?"
"Teka lang, mag bibihis muna."
Pumunta ako sa likuran kung saan nag bibihis si Yuri. Mabilis kong inalis ang aking uniform at ipinalit ang isang spaghetti strap na damit na ang haba nito ay kapos sa tiyan, ang pang ibaba ko naman ay isang maong short, sikip sa may hita ko pero kasya naman.
"Sigurado kang kaya mo, Rian?" Pag tatanong ulit ni Yuri. Siya naman ay naka suot ng maiksing palda, maikli rin ang damit niya katulad ng akin.
Nandito kami ngayon sa Matictic Norzagaray Bulacan, maganda raw dito kaya hindi na rin ako nag reklamo. Ito ang unang beses na maka punta ako rito. Mayroong malaking bato na sinisiguro kong hindi ko naman kakayaning akyatin.
May mga tao rin dito kaya lang kaunti, halos kaming anim lang ang nandito. Naka handa na rin ang mga pagkain namin kung sakaling magutom.
"Halika na!" Sigaw ni Granada. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang naka akyat siya sa bato at biglang tumalon.
Mukha tuloy siyang dolphin.
Hindi siya kaagad lumutang kaya kinabahan ako.
Umahon din kaagad ng may ngiti sa labi. Natigilan ako, bagay naman pala sa kaniya kapag naka baba ang kaniyang buhok. Wala siyang saplot ngayon sa pang itaas. Wala siyang abs or muscle, hindi rin naman malaki ang tiyan niya at hindi rin masyadong payat.
"Matthew! Talon na!"
Nag aalangan akong tumampisaw diyan sa tubig. Hindi ko alam kung bakit, bigla akong kinabahan. Niyakap ko ang aking sarili at kinurot ang aking mga daliri.
"Rian, halika na!"
Ngayon ay si Marissa ang sumigaw, naka talon na rin ang kambal. Kami na kang ang natitira ni Yuri, inunahan na niya ako at tumalon na rin. Ilang beses akong lumunok. Nanginginig ang kamay at paa ko sa hindi malamang dahilan.
Natatae yata ako.
Pero hindi, eh. Hindi naman masakit ang tiyan ko. Hindi rin naman ako nauutot.
"A-ayoko." Nanginig na rin pati ang boses ko.
"Bakit? Anong problema?" Tanong ni Nathaniel. Hindi ako nag salita at umatras na lamang.
Hindi ko kaya, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot habang tinititigan ang ilog na 'yan.
Hindi ko alam...
"Huwag niyo na siyang ipilit." Biglang umahon si Matthew. Wala rin siyang saplot pang itaas--
May pandesals!-- may s kasi marami.
Patuloy ako sa pag atras. Kumuha siya ng towel at ibinigay ito sa akin.
"Mag palit ka na." Pag utos nito, nakita ko ang pagka lungkot sa mga mata nila.
Pumayag ako na sumama, excited kami pero bigla akong aatras. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot.
"O-okay lang, tutuloy ak--"
"Huwag mong ipilit kung natatakot ka. Mag palit ka na."
Yumuko ako at tumango, akmang pupunta na ako roon sa likuran ng biglang may sumigaw ng aking pangalan.
"Rian!" Napaka lakas, galit na galit, nag tayuan ang mga balahibo ko at nanlaki ang aking mga mata ng makilala kung sino ang nag mamay-ari ng boses na 'yun.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
