Chapter 31

22.2K 621 233
                                        

Naka balik ako sa probinsya. Tinititigan ko ang bahay namin, marumi. Halatang walang nag lilinis, kabi-kabilang gilid ay mayroong mga lawa. May mga langgam din sa ibaba at maalikabok ang sahig at itaas.

Mukha ng hunted house.

Dala ang aking gamit ay suminghot ako para hindi tumulo ang aking luha. Humakbang ako para tuluyang maka pasok. Tiningnan ko ang gilid malapit sa may mesa, nandito pa pala ang natitira naming mga pictures.

Lumapit naman ako sa may radio namin. Hahawawakan ko sana 'yun ng may biglang lumabas na daga.

Ay kabayong buntis!

Paano naka pasok ang daga sa loob na ito? Hindi ko na nga hahawakan, baka mamaya ay may ipot pa. Mabaho na rin kasi itong bahay. 'Yung hagdan ay sira na rin, mayroong basa sa may kusina na para bang natuluan ng ulan, may butas kasi roon sa bubong.

"Dito po ba titira?"

Umiling ang babae sa akin. Lumapit siya at kinuha ang aking bag. Binuksan niya ito na para bang mayroong hinahanap.

"No, Rian. Dadalhin kita sa Casa."

"P-po? D-doon po ulit? Akala ko ay wala 'yun sa probinsya--"

Tumawa ang babae, mukhang nasiyahan ng makita ang damit na may tatak na Loui Vuitton, 'yan 'yung damit na binili ni Cardan para sa akin.

"Ano ka ba, syempre meron din dito. Akin na itong mga damit mo, ah? Bibigyan na lang kita roon kapag naka balik na tayo."

Ha? D-doon ulit? Akala ko ba ay titira ako ulit dito sa bahay? Tiningnan ko ang kabuuan. Wala na, ang dating masaya at kuntento na pamilyang naninirahan dito ay nabalot ng lungkot.

Kingina, baka gawing haunted house ng mga bata.

"Po? Bakit doon?"

Humarap sa akin ang babae, ngumisi siya. Naka kulay violet siyang lipstick, mayroon din siyang itim na eyeshadow. Makapal din ang blush on niya. Napa tingin ako sa kaniyang kilay.

Nag mukhang linta ang kilay niya.

"Virgin ka pa rin ba?"

"P-po?" Lumawak ang kaniyang ngisi. "Opo, v-virgin pa rin. Tita--"

"Very good! Babalik tayo roon bukas, dadalhin kita kay Mr. Chong King."

Chong King? Anong klaseng pangalan 'yan.

"Chinese po?"

"Aba'y oo. Mayaman din ang isang 'yun. Mabuti na lang at iniwan ka rin ni Mr. Grimaldi, may pakinabang ka pa rin pala sa akin."

Kinuha niya lahat ng gamit ko pati na rin ang mga damit. Mabilis kong tinago ang aking cellphone sa bulsa. Baka mamaya ay kunin niya rin.

Saan siya pupunta?!

Nakita kong humakbang siya palabas. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan si tita Dolores.

"S-saan ka po pupunta? Sama ako. Wala po kasi akong matutulugan--"

"Naku, hindi ka pwedeng sumama sa akin. Babalikan na lang kita rito bukas, okay? Oh siya sige, babalik na ako roon."

Umawang ang aking labi habang pinag mamasdan siyang nag lalakad paalis. Naiwang bukas ang gate at naiwan akong naka tayo rito sa loob. Kinamot ko ang aking ulo.

Queen ina siya. Akala ko pa naman ay may matutulugan na ako.

Pumadyak ako at iritado sinipa ang isang maliit na upuan, kinagat ko ang ibabang labi at sinabunutan ang sariling buhok.

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon