Chapter 40

21K 591 183
                                        

Amoy tae?

Hindi ko maintindihan kung amoy tae o ewan.

"Naamoy niyo 'yun?" Tanong ko at suminghot-singhot pa.

Kalalabas lang namin ngayon ng school at nakaka amoy ako ng mabaho. Nilingon ko ang paligid pero wala namang tae, wala nang aso na nag lalakad-lakad kaya hindi ko maintindihan kung nasaan nanggagaling ang amoy na 'yun.

"Baka hininga mo lang?" Sinamaan ko ng tingin si Granada, handa ko na sana siyang hampasin nitong pamaypay na dala ko, mabuti na nga lang ay mabilis akong pinigilan ni Yuri.

"Huwag na kayo mag away, saan ba tayo pupunta?"

"Gusto ko mag dagat."

Siya nga pala, naka pasok na ulit ngayon si Yuri. Nahilo lang naman daw siya buong araw, nahihirapan pang huminga. Mabuti na lang at naka pasok na siya ulit ngayon kaya kumpleto na kami.

"Wala naman tayong pamalit ng damit."

Kakatapos lang ng klase at nag babalak kaming pumunta ng dagat. Hindi na ako nag abala pang mag paalam kay Cardan. Para ano pa? Para mag paalam? Kapag nag paalam naman ako ay hindi niya ako papayagan. Atsaka, galit kami sa isa't isa.

Hanggang ngayon ay iniisip ko 'yung nakita ko sa sulat. Sino si Lean? Bakit nandoon ang pangalan ni dad? Siya ba ang dating lalaki ng mama ni Cardan na si Madam Clarita? Atsaka nandoon din ang pangalan ni mom. Anong hustisya? May nangyari ba na hindi ko alam?

Magulo, sobrang gulo.

Sobrang gulo katulad ng buhok sa kilikili ni Granada.

Kitang kita ko kasi ngayon, maputi naman ang kilikili niya kaya lang nag mukha ng gubat.

Alam kong normal lang naman 'yun lalong lalo na sa mga lalaki. Iba kasi kay Granada, eh. Mabuti na lang at walang amoy. Amoy baby siya, johnsons baby powder.

"Punta na muna tayo sa bahay namin, may extra akong damit doon. Kunin ko na lang din damit ni kuya Marco."

Pag aaya ni Marissa habang inihahanda na ang kaniyang mga gamit.

"Sige, tara. Doon tayo sa bago kong kotse," tiningnan ko ang itinuro na kotse ni Granada.

Ay bago. Yayamanin din siguro itong lalaki na ito. Noong nakaraan lang ay nasira ang kotse niya dahil hinabol kami ng mga kasamahan ni tita Dolores tapos ngayon ay may bago na siyang kotse, mas malaki na kaya hindi na kami mag sisiksikan.

Kaagad kaming sumakay. Dating pwesto lang, ang pinag kaiba ay mas maluwag ngayon.

"Walang pasok bukas, kapag inabot tayo ng gabi ay doon na lang din kayo matulog. Game ba?"

Tumahimik ako. Gusto kong maranasan ang overnight.

Hindi ko pa kasi nararanasan 'yun dahil palagi akong pinag babawalan ni dad at kuya, hindi rin nila ako pinapayagan na sumama sa mga outings kaya susulitin ko na ito.

Wala na akong pakialam kung hahanapin ako ni Cardan, basta galit ako sa kaniya, at galit siya sa akin. Pinag tataguan nila ako ng sikreto, nasabi kong nila dahil... hindi ko alam. Malakas lang ang kutob ko na may kasabwat siya.

"Malapit lang ba?"

"Medyo malayo."

"Edi hindi na tayo makaka dagat, gaga ka. Doon na lang muna tayo matulog sa inyo."

"Kasasabi ko nga lang, 'diba?"

Hindi ko pinansin ang pag aaway ni Granada at Marissa. Naka tingin lang ako sa bintana habang malalim ang iniisip. Sinisisid ko ang pinaka ilalim ng problema. Pwedeng nag cheat si dad, or si Madam Clarita ang nag cheat-- pero hindi, eh. Pakiramdam ko ay inosente ang mama ni Cardan--

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon