"Sigurado ka?"
"Oo."
"Baka hindi mo kaya?"
Umiling ako. Mabilis kong kinuha ang baso, walang pumigil sa akin sa pag inom. Napapikit ako ng mariin, halos maiyak ako sa sobrang pait ng lasa. Masakit sa lalamunan, mahapdi hanggang sa dumaloy ito sa dibdib ko hanggang sa aking tiyan.
"Pait!" Malakas kong sigaw at ibinaba ang baso.
"Lakas mo, ah. Gusto mo pa?" Nag lahad si Daniel at umawat naman si Mat.
"Huwag mo na siyang bigyan, baka hindi niya kayanin."
Nandito kami ngayon sa likod ng kotse ni Marissa. Nag lagay lang kami ng mapag papatungan ng mga pagkain at ng inumin. Inilipat naman ang kotse rito sa likod ng bar, bigla kasing dumating 'yung teacher namin na si Sir Verpes. At dahil takot na mahuli, pinatakbo kami nitong si Yuri.
"Hindi naman niya tayo nakita."
"Kain ka, Rian." Inilagay ni Marissa ang pagkain sa aking plato.
Nakaka isang baso pa lang ako pero pakiramdam ko ay nahihilo na ako. Sumakit bigla ang ulo ko, parang kahit anong oras ay iikot ang paningin ko. Parang gusto ko yatang sumuka.
"Namumula ka na," sambit ni Nathaniel, itinaas ko ang aking kanang kamay. Senyas na ayos lang.
"Kung namumula si Rian, si Yuri naman ay namumutla. Natakot ka kay sir?"
"O-oo naman. Baka bukas ay masermonan tayo."
"Edi huwag tayong pumasok bukas."
Binigyan ako ng tubig ni Mat, kaagad ko 'yung tinanggap at ininom. Pinag papawisan na ako. Medyo komportable naman na ako ngayon sa suot ko dahil sila lang naman ang kasama ko rito.
"Gusto mo na bang umuwi?"
Bigla akong napa-isip. Kung uuwi ako kaagad, siguradong malilintikan ako nito kay Cardan. At kung hindi naman ako uuwi, baka mas malalang parusa naman ang gagawin niya sa akin.
Tahimik lang kami ritong nag kekwentuhan at kumakain ng biglang nag kagulo ang nasa bar, napa tayo kaming lahat at nag lag-lagan ang ibang mga pagkain.
"A-anong nangyayari?!"
"Daniel! Huwag ka ng pumunta roon, baka makasa--"
"Pasok kayo sa kotse, bilis!" Kinabahan ako ng pumunta sa driver's seat si Daniel.
Hinila naman ako papasok ni Yuri sa loob ng kotse, ang kambal ay mabilis na isinara ang pinto. Si Daniel ang driver, sa tabi niya si Marissa.
Nag sik-sikan tuloy kaming apat dito sa may likuran, dumidikit ang hita ko kay Mat, sa tabi ko naman si Yuri na ipit na ipit, nahihirapang gumalaw.
"Tangina, bilis!"
"Teka, anong nangyayari?" Nag pa-panic ang boses ko, hindi ko maiwasang hindi kabahan sa nangyayari.
Wala pa mang nakakasagot sa kanila, naka rinig kami ng tunog ng sasakyan sa may likuran. Lumingon ako roon at nanlaki ang mga mata ko ng makitang may dalawang kotse ng pulis ang humahabol sa amin
"Oh my gosh!" Sumigaw si Marissa habang nakatapat sa kaniyang phone. "Sumugod daw ang mga pulis sa bar, may nag sumbong kasi."
"Sumbong saan? Sa ano?! Bakit nag sumbong?!"
"May nag bebenta raw doon ng drugs sabi ni kuya Marco."
"Nasaan si kuya mo?"
"Naka takas sila, kinuha ng mga pulis ang lahat na nandoon. Karamihan ay College at highschool."
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
