Chapter 33

22.4K 704 442
                                        

Nagising ako na para bang may mahapdi sa katawan ko.

Masakit ang ulo ko, pakiramdam ko rin ay may gasgas ako sa aking siko at tuhod. Dumaing ako habang umiiba ng posisyon. Binuksan ko ang aking mga mata, kulay pula.

Nasa impyerno na ba ako?

Kulay pula kasi ang paligid. Bumangon ako kahit pa ramdam ko ang sugat sa aking ulo. May salamin naman sa tapat kaya tumingin ako-- dumudugo ang noo ko! Tiningnan ko naman ang aking tuhod-- may sugat!

Ah! Naaalala ko na, bumangga ang kotse namin doon sa puno. Sinalo ako ni Matthew pero hindi ko na alam pa ang nangyari dahil nawalan ako ng mal-- nasaan sila?!

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyo si--

Si satanas!

"Glad you're awake, hija." Sarap sipain ng mukha niya. Nangigigil ako sa kaniya pero hindi ko lang magawang lumaban.

"N-nasaan ako?! Nasaan ang mga kaibigan ko?!"

"I left them hanging, of course. Umupo ka muna, Rian. Maya-maya lang ay dadating na rin si Mr. Ching Kong."

Bwisit! Hindi man lang muna ginamot ang mga sugat ko. Ngumisi sa akin ang matandang babae. Maarte itong nag lakad palapit sa akin, nagulat na lang ako ng bigla niyang hilahin ang aking buhok sa likuran kaya naman napangiwi ako sa sakit.

"Bitawan mo ako!"

Bigla niya akong sinipa sa tiyan kaya napa luhod ako. Halos maiyak pa nga ako dahil dumiin ang sugat ko sa sahig.

Sakit!

"Ikaw ang mag babayad sa mga kamalasan na nangyari sa pamilya natin, Rian. Kay Peter ako kumukuha ng pera pero ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay."

Pera, sinasabi ko na nga ba.

Nag hahabol lang sa pera ang matandang ito! Nangigigil ako sa kaniya, kahit papano ay may respeto pa rin ako sa kaniya dahil inalagaan niya ako noon, katulong siya ni mama sa pag aalaga sa akin pero hindi ko aakalaing ganito.

"Edi mag pakamatay ka na rin!" Malakas kong sigaw.

Hindi na ako naka pag salita pa ng sampalin niya ako ng malakas, tumagilid ang aking ulo. Napa ngiwi ako sa sakit. Mababaliw na talaga ako rito.

"Ikaw lang ang pag asa ko, Rian. At hindi ko hahayaang mawala ka sa puder ko. Ibebenta kita ng paulit-ulit para sa pera, tandaan mo 'yan."

Ipapakulong din kitang matanda ka, tandaan mo 'yan.

"Bitawan mo ako! Ano ba! Nasasaktan ako!"

At dahil sa sobrang pang gigigil ko sa kaniya ay itinulak ko siya ng malakas. Bigla siyang napa atras at hinihingal. Tumayo ako para tingnan ang aking sarili.

Parang may hotdog sa kaliwang pisngi!

Akmang susugod na siya sa akin ng bigkang bumukas ang pinto kaya sabay kaming napa lingon doon. Nakita kong pumasok ang isang matangkad na chinese. Maputi at makinis ang balat, singkit ang mga mata at manipis ang labi.

"Mr. Ching Kong, here's the woman. You can now claim her, and sorry for her--"

Hindi siya pinatapos ng lalaki sa pag sasalita. Hinila si tita ng mga bodyguards palabas pero nanatili ang mga ngiti niya sa labi.

Napa atras ako.

Mukhang hindi marunong mag tagalog.

"N-no, please, don't. They are just forcing me to do this! Please don't, Mr. Kingkong!"

Kingkong?

Sigaw ko. Nangunot ang noo niyo at tumagilid ang ulo. Sunod-sunod akong lumunok at patuloy din ang pag atras ko. Mabilis kong hinarang ang aking kamay sa aking dibdib.

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon