Chapter 35

24.2K 702 364
                                        

Hindi panaginip!

May dugo!

Hindi panaginip ang nangyari kagabi dahil masakit ang perlas ko. Nangangalay din ang likod ko at nakita kong medyo may sira ang kuko ko.

"Jusko, ano bang nangyari sa iyo kagabi-- menstruation ba 'yan?" Tinulungan ako ni Yolly maka tayo pero hindi ko magawa.

Masakit ang hita ko lalong lalo na 'yung bandang gitna, medyo nanginginig pa rin ang mga tuhod ko at hindi ako maka tayo ng ayos kaya siya naka alalay sa akin.

"Kaya mo?"

"H-hindi, parang tutumba ako."

Naiwan kasi ako rito sa kwarto na suot ang damit ni Cardan, pag gising ko ay wala na siya at mukhang naka alis na rin. Mahigpit lang akong naka hawak sa kamay ni Yolly. Kinuha ko ang unan at tinakpan ang dugo.

Baka mabuking.

"Maligo ka na muna, kinakabahan ako sa iyo," hinatid niya sa may banyo. Binuksan niya ang pinto at inihanda ang bath tub.

"O-okay na, Yolly. Tatawagin na lang kita kapag tapos na."

"Sigurado ka?"

Tumango ako.

Nang maka labas siya sa banyo ay nag hubad na ako ng damit. Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin. May pula ako sa may bandang dibdib at sa may leeg, parang kulay pula na ewan.

Ganito 'yung nakita ko kay Yuri.

Maingat naman akong nag lakad at umupo sa bath tub. Inilublob ko ang sarili sa mabangong tubig at napapikit.

Nakaka pagod si Cardan kagabi, nananakit ang katawan ko lalo na ang balakang ko. May sugat pa ang labi ko kaya hindi ko ito masyadong maibuka ng ayos.

Hindi na ako virgin.

H-hindi na ako virgin at si Cardan ang naka una sa akin. H-hindi na rin ba siya virgin-- hindi na ba siya virgin noong nag ano kami kagabi? Bakit parang ang daya?

Gusto ng mga lalaki na virgin pa ang babae, mandidiri sila kapag nalamang hindi na. Tapos sila-- ano, pa-cool lang?

Umirap ako at kinamot ang aking pisngi. Walang pasok ngayon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito. Balak ko sanang maki pagkita sa kanila kaya lang baka palayasin nanaman ako nitong si Cardan. Hihintayin ko na lang mag lunes.

Nag muni-muni na muna ako bago linisin ang sarili. Natapos na ako at hindi na humingi ng tulong kay Yolly. Nag damit ako ng mahabang sleeves, tago pati leeg ko, naka pantalon din ako at hindi ko na sinuklay ang buhok ko.

Lumabas ako ng medyo iika-ika.

Ganoon din kaya ang naramdaman ni Yuri noong gumawa sila ng kababalaghan ni Sir Verpes? Curious lang.

Hindi na ako virgin, ibigsabihin ay hindi na ako maibebenta ng malaki ni tita.

Yes! Wala na akong pakinabang sa tita ko!

"Rian!"

Sumigaw si Yolly mula sa labas ng pinto ko. Binuksan ko ito at hinarap siya.

"Bakit?"

"Baba ka raw, nandiyan si Azrel."

"Bakit daw?"

"May pupuntahan yata kayo, pinapatawag ka ni sir Cardan sa office niya."

Nakaramdam ako ng excitement. Talaga?

"Sige, ba-baba na ako."

Ngumiti siya sa akin, pina una na niya akong bumaba habang ngumingiwi ako sa tuwing nagagalaw ang bandang ibaba ko. Nakalimutan kong may sugat din pala ako sa tuhod, ito namang nasa noo ay hinayaan ko ng walang band aid. Hindi naman masyadong malaki.

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon