Chapter 19

24K 699 164
                                        

Happy 900 followers 🍫🍫🍫. This is the best advance birthday gift. Thank you so much! List down your usernames, I'll dedicate each chapters for you all.

***

"S-sigurado ba kayong ayos lang ang damit ko?"

Pinipilit kong ibaba ang laylayan nitong maikling damit na suot ko. Spaghetti strap lang ito na kilay pula, mahigpit sa may likuran at hita ko. Pinahiram naman ako ni Marissa ng isang high heels na sapatos.

Halos hindi ko marinig ang pinag uusapan ni Yuri at Daniel. Sobrang ingay dito sa loob, medyo madilim din kaya nahihirapan akong mag lakad. Naka hawak lang ako sa braso ni Yuri habang sinusundan sila.

"Normal lang na ganiyan ang damit dito, Rian." Pilit akong pinapakalma ni Marissa.

Naka suot naman siya ng maikling palda at labas ang tiyan, naka tali ang buhok nito pataas na para bang kay Ariana Grande. Si Yuri naman ay naka suot din ng dress, pero medyo mas mahaba 'yung sa kaniya. Ang kaso ay labas ang maputi niyang likod.

"Halika! May table pa roon sa dulo," pag aaya ni Daniel. Hinila niya papunta si Marissa sa table na itinuro niya.

Kasama namin itong kambal.

Simpleng suot lang ang damit ni Daniel, kulay puting polo at itim na pants. Ito namang maputi ay naka suot ng jacket. Samantalang si Matthew ay naka itim na hoodie, naka pants at sneakers. Katulad ng dati ay walang imik.

"Sunod ka lang, Rian," at sinundan ko naman si Yuri.

Naka alalay lang ang kambal sa likuran namin. Maraming tao, sobrang dami at karamihan dito ay mas mai-ikli pa ang damit na suot kaysa sa akin. Napa ngiwi na lang ako ng makakita ng merong nag hahalikan sa may gilid. Sa kabila naman ay may babaeng naka upo sa kandungan ng lalaki.

"Ayos ka lang?" Tinitigan ako ni Yuri, alanganin akong ngumiti sa kaniya.

"A-ayos lang."

"Namumutla ka, hindi ka yata sanay sa ganito. Halika, upo ka muna."

Hinawakan niya ang kamay ko. Sumunod lang ako sa kaniya pero dalawang lalaki ang biglang umatras, at dahil mabigat sila ay natanggal ang kamay sa akin ni Yuri.

Muntik na akong sumama sa pag bagsak ng dalawang lalaki hanggang sa isang kamay ang humawak sa aking tiyan para hindi ako matumba. Suminghap ako.

"Rian!" Yuri shouted from afar. Naka layo na pala siya sa akin, hindi na maka lapit dahil biglang nag sik-sikan ang mga tao lalo na ang mga lalaki.

Nag kakagulo sila dahil may limang babae na sumasayaw sa harap.

"It's okay, she's here," malagom at masungit na boses ang nag salita sa likuran ko.

Kaagad ko 'yung nilingon at nakita si Matthew na nakahawak pa rin sa aking tiyan. Nag mamadali akong tumuwid ng tayo.

"P-pasensya na."

"Hawak ka sa laylayan ng damit ni Mat, Rian." Ngumiti ako sa sinabi ni Nathaniel.

Nag simula na kami ulit mag lakad. Nasa bandang kaliwa ko si Matthew, nakahawak ako sa laylayan ng damit niya katulad ng sinabi ni Nathaniel. Ang kakambal naman nito ay nasa kabilang gilid ko, bigla niyang tinutulak ang mga taong malapit na umatras sa kaniya.

Angas.

"Ayun na sila!"

"Dito, bilis!"

Nakarating din kami sa pinaka dulong mesa. Naka upo na si Marissa habang su Daniel at Yuri ay nag hihintay na sa amin.

"Mas marami pa lang tao rito kaysa noong nakaraang linggo."

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon