Chapter 22

25.7K 740 403
                                        

Ang sabi niya hindi siya papasok.

Pero naiwan pa rin ako ng araw na 'yun, edi sana humabol na lang ako sa school.

"Wala pa ba si Yuri?" Umupo si Daniel sa tabi ko, nakita ko namang sinusuklayan ni Maris ang kaniyang buhok na naka upo sa may mesa ko.

Oo nga pala. Bakit parang late siya-- hindi naman siya as in late. Pero nasanay na kasi ako na pag dating ko rito sa room ay nandito na kaagad siya. Pero mukhang mas nauna pa ako sa kaniya.

"Hindi rin nag me-message sa akin kahapon, tinanong ko ang ate niya. Hindi rin daw umuuwi kahit noong nakaraang araw. Baka nakitulog sa pinsan. Pero baka papasok 'yun ngayon."

Anim pala kaming hindi pumasok kahapon. Wala si Yuri, si Marisa, si Daniel at ang kambal. Pumasok naman si Sir Verpes kaya lang late na raw masyado, magulo pa ang buhok, mukhang nag mamadali at na realized niyang late na siya-- narinig ko lang doon sa usapan ng mga estudyante kanina.

"Sama ka ulit mamaya, Rian?"

"Saan?"

"Hindi, joke lang. Tina-try ko lang kung sasama ka talaga." Hindi nakaka tawa si Daniel.

Inirapan ko siya at itinuon ang atensyon sa libro.

Mag pa-paka good girl na muna ako ngayong araw. Mayroon din kasi kaming test next week, mahirap na. Baka bigla akong bumagsak. Kailangan kong mag review ng straight tatlong araw. Biyernes ngayon, may sabado at linggo pa ako para ituon ang atensyon ko sa pag aaral.

I want to be a good girl.

"Andiyan na si Yuri!" Sigaw ni Nathaniel mula sa labas, nakita ko siyang tumatakbo rito.

Lahat kami ay lumingon kay Yuri na ngayon ay papasok na sa classroom. Hindi siya naka ngiti, hindi rin siya naka simangot. 'Yung mukha niya ay para bang resting face na niya.

Cute, mukha siyang langgam.

Nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang papasok ng classroom.

Umiika-ika kasi siyang nag lalakad na para bang may masakit.

"Ayos ka lang?" Tumayo ako para tulungan siya, hindi na nag paawat pa ang babae.

"A-ayos lang, natapilok kasi ako roon."

Tiningnan ko ang paa niya, wala namang sugat. Nakita ko rin na may sugat ang labi niya at may pula siya sa may batok na pinipilit niyang takpan.

Teka...

"Papasok kaya si Sir ngayon? Wala pa raw siya sa office."

"Nandiyan na si Sir, kararating lang."

Umatras ako at palihim na napakunot ang noo.

May kakaiba akong nararamdaman pero pinipilit ko na lang isantabi. Wala rin naman ako sa posisyon para mangialam.

Umupo na ako sa aking pwesto. At parang dati lang, tulog nanaman ang katabi kong ito. Palagi ba siyang puyat? Anong ginagawa niya kapag gabi?

Adonis dancer siguro 'yang si Matthew tuwing gabi.

"Rian, saan ka pala nakatira?"

"Ah, nag s-stay muna ako sa hotel," hinawakan ni Marisa ang dulo ng buhok ko.

"Wow, yayamanin. Bakit naman nandoon ka? Wala kang bahay?"

"M-meron, lilipat na rin naman kami next week."

Ang sabi kasi kanina ni Cardan, ngayon ang last na meeting niya. Uuwi siya ng maaga para maka alis kami since wala namang pasok bukas. Ilang oras lang ay sa bahay na niya ako titira. Sana kahit papano ay may kasambahay, para naman palagi akong may kasama.

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon