Kapag natumba ako ay baka mag mukha akong bolang gumugulong.
Mahigpit ang pag hawak ko sa braso ni Cardan habang nag lalakad. Kanina pa kasi ako hindi mapakali, kanina ko pa gustong mag lakad, hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko.
"Cardan!" Sinigawan ko siya.
"Y-yes, yes. I won't let go of you. Lakad lang," pinag papawisan siya habang tinutulungan akong mag lakad.
Ang kanang kamay ko ay naka hawak sa kaniya samanatalang ang kaliwa ko namang kamay ay naka hawak sa aking likuran. Nahihirapan akong mag lakad, ang bigat ng tiyan ko. Gumagalaw pa ang nasa loob.
Malikot!
Siguro kapag lumabas ang batang ito ay napaka likot, pakiramdam ko ay hindi rin siya mapapakali.
Mukhang mag mamana ito sa akin.
"Masakit, Cardan."
"I know, I know." Hinawakan niya ang braso ko. Niyakap niya at at hinalikan ang aking noo.
Magulo rin ang itsura niya at merong eye bags. Hindi na rin siya nakaka tulog ng ayos dahil maya't maya ang pag utos na ginagawa ko sa kaniya. Hindi na rin siya masyadong pumapasok sa trabaho niya.
Nag tataka ako kung bakit ang yaman-yaman niya kahit hindi siya pumapasok sa trabaho.
Sana all.
"Wait, I know something."
"Ano?"
"I saw this on YouTube, I hope this can help."
Binitawan niya ang kamay ko at nag lakad papunta sa aking likuran. Nakita kong inilagay niya ang mag kabilang kamay sa ilalim ng aking tiyan. Dumikit ang katawan namin sa isa't isa, pipigilan ko sana siya pero naramdaman kong hinawakan niya ang malaki kong tiyan.
Hinawakan niya ang ilalim nito. Napa igtad ako ng dumikit ang mainit niyang palad sa aking balat. Napa nganga ako ng unti-unti niyang iangat ang aking tiyan, naka ramdam ako ng kaginahawahan kaya naman pakiramdam ko ay bumagsak ang katawan ko sa kaniya. Ipinatong ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.
"Feel better?"
"Oo, tuloy mo lang."
Hinawakan ko ang kamay niya na naka hawak sa akin, napapikit ako.
Kakaiba ang nararamdaman ko, pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat ng aking tiyan dahil sa ginagawa niya.
"I watched and learned for this. I can't believe that it actually works."
"Pinanood mo talaga kung paano ito ginagawa?"
Hinalikan niya ang leeg ko.
"Yes, this is belly lifting for a pregnant woman. Nanood din ako kung paano mag alaga ng bata, so kung lalabas na si Caspian, maybe I can help you take care of him."
Help me take care of him?
Hindi ako nag salita. Umalis ako sa kaniya at maingat din na inalis ang kaniyang kamay sa akin.
"Teka lang, parang naiihi ako."
"Halika, ihahatid kita."
Tinanggap ko ang kamay niyang naka lahad sa akin para tulungan ako. Nakita ko sa isang gilid si singkit na naka ngiti habang pinapanood kami. Inirapan ko siya.
"Gusto mo samahan pa kita sa loob--"
"Hindi! Ako na--"
Hindi pa man nga ako nakaka pasok sa banyo ng biglang sumakit ng sobra ang aking tiyan at balakang. Napa hawak ako sa may mesa at natamaan ko ang flower vase kaya nahulog at nabasag 'yun.
"Rian!" Saway ni Cardan. Lumuhod siya at kinuha 'yun pero parehas kaming natigilan ng may bumuhos mul sa perlas ko.
Tiningan ko ang aking ibaba, para siyang tubig na ewan na parang ihi.
"C-Cardan..." Sunod ay mayroon na ring tumulong dugo kaya nanlaki ang mga mata ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi at napapikit ng mariin. "Ah! Cardan! M-manganganak na yata ako!"
"Fuck! What do I do? What do I d-- Azrel! Azrel! Ihanda niyo ang sasakyan!"
"Bakit? Bakit? Anong nangyayari?!"
"Manganganak na si Rian!"
Humawak ako ng mahigpit sa braso ni Cardan, bumaon ang aking kuko at mukhang nasaktan siya sa ginawa ko.
"Rian!" Pumasok naman si Eros. Inayos niya ang suot na salamin at sabay nila akong tinulungan na mag lakad.
"Manganganak na ako! M-manganganak na ako, Cardan!"
"Fuck, yes. Dadalhin ka na namin sa hospital. Teka ito na..."
At dahil mabagal ang pag lalakad ko ay nag tulungan na silang buhatin ako. Nanginginig na ang paa ko at kamay ko, umiiyak na ako dahil nararamdaman ko na ang sakit.
"Ahh! Bilisan niyo! Manganganak na ako, mahuhulog ang baby!"
"It won't, okay? It won't! Hang in there!"
"Azrel, ikaw na mag drive."
"Sasama ako!" Sumigaw si Eros.
Pinag tulungan nila akong ipasok sa kotse. Umupo sila sa mag kabila kong gilid at parehas nilang hinawakan ang mag kabila kong kamay.
Pero hindi sapat ang kamay nila para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Hinawakan ko silang dalawa at hinila ang buhok nila.
"Masakit! Masakit! Manganganak na ako! Ahhh!"
"O-oo, alam namin. L-let go of our hair, Rian. Sa kamay ka namin kuma-- aray, Rian!"
Hindi ko pinapakinggan ang sinabi nila at mas lalong hinila ang buhok nilang dalawa kaya halos mamilipit sila sa sakit.
Kung nasasaktan sila ay mas nasasaktan ako!
Lalabas na ang baby!
"Baby Caspian..."
Hawak ngayon ni Cardan ang baby, hawak niya gamit ang dalawa niyang braso at marahan itong ginagalaw. Hindi umiiyak ang baby pero gumagalaw ang kamay nito.
Naka higa lang ako habang pinag mamasdan sila, si singkit naman ay naka tayo habang masayang kinukunan sila ng litrato pero iniiwasan niyang lagyan ito ng flash.
"I am a father now, I am officially a father right now," bumulong pa ito at hinalikan ang bata sa noo.
Kumurap ako at hindi gumalaw sa hinihigaan. Bukod sa masakit pa ang bandang ibaba ko, bukod sa wala pa akong gana, ay wala rin akong plano na hawakan ang baby.
"Look, Rian. He just looks like me."
Pilit niya itong ipinapakita sa akin pero umiiwas ako ng tingin. Ayaw kong hawakan.
Hindi ako marunong humawak ng baby, hindi ako marunong mag patahan ng baby kung sakali mang umiyak na lang ito bigla.
"Ang gwapo ng anak niyo, Rian. Manang mana kay Cardan."
"Can I take this little boy out?" Pag papaalam ni Cardan.
Kitang kita ko ang pag ningning ng mga mata niya. Nakikita ko rin na napakasaya ng kaniyang reaction.
Tumango ako.
"Ikaw bahala."
"Thank you, I'll just show my baby Caspian to them," nandiyan ang mga kaibigan ko. At tinutukoy niya na gusto niyang ipakilala ang bata sa kanila.
Bumaba ang tingin ko sa aking kamay. Pinanood ko siyang maka alis hanggang sa lumipat ang tingin ko kay singkit.
"Azrel," seryoso kong pag tawag sa pangalan niya.
"Rian--"
"Mag usap tayo."
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romansa"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
