Chapter 41

19.4K 605 351
                                        

Nasaan ako?

Nasa kilikili na ba ako ni Granada?

Dahil sa pagod ay umupo ako sa ilalim ng puno, isinandal ko ang aking likod sa malamig na puno at ipinikit ang mga mata. Hindi na ako naka tulog kakalakad, naligaw na yata ako. Pakiramdam ko ay nag ha-hiking na ako, letse.

Umalis ako kagabi sa cottage, pinasok ko itong mapuno at ngayon ay hindi ko na alam kung saan ang daan pauwi at pabalik. Mahigpit kong hinawakan ang phone. Forty percent, kaya pa. Kaya nga lang ay walang signal. Hindi ako maka tulog kagabi, bukod sa umiiyak ako ay uuwi na raw si kuya Eros.

Sa kaniya na ako mag tatanong.

Namahinga ako rito sa pababa, medyo madumi pero keri na. Ang mahalaga ay may ma-upuan. Nasa isla ba kami? Hindi naman nila sinabi na isla pala ito-- sabagay, hindi ko man nga sila kinakausap kahapon kaya hindi na rin nila sinabi sa akin. Ang alam lang nila ay sumama ako.

At dahil naka ramdam ako ng pagka boring, pinindot ko ang camera ng aking phone. Kaagad akong nag picture. Hindi ako tumawa sa litrato pero itinaas ko ang gitna kong daliri at itinapat sa camera.

#nawawalasamagubatnakilikilinigranada

May signal naman kaya lang medyo mahina, kaagad akong nag tungo sa Facebook at ipi-nost ang picture with matching hashtag. Mabagal mag post kaya hinayaan ko na lang, inilagay ko ang cellphone sa bulsa. Tumayo ako at tumingin-tingin sa paligid, baka sakaling may mapaglaruan pero wala.

Wala rin kahit isang puno ng mga prutas. Napahawak ako sa aking tiyan pati na rin sa bibig ko.

Nasusuka yata ako?

Nanlaki ang mga mata ko at mas lalong tinakpan ang aking bibig.

Nasusuka talaga ako!

Pinipigilan ko ang aking sarili na huwag lumuwa, wala pa namang tubig. Kapag sumuka ako ay ma-mamaho ako. Ikinalma ko ang aking sarili pero nakaramdam ako ng kaunting hilo at pananakit ng ulo.

Napa hawak tuloy ako sa may puno. Umiikot ang paningin ko, parang nawawalan ako ng pan dinig at dumidilim ang ang tingin ko sa paligid, bigla akong pinag pawisan.

Pinilit kong huwag mahimatay dahil wala naman akong kasama. Huminga ako ng malalim, sinapak ang aking sarili para magising sa katotohanan na hindi ako mahal ng sugar daddy ko.

Mali! Hindi pwedeng mahimatay ako, walang tutulong sa akin dito. Nilakasan ko ang aking loob at tumayo. Tumingkayad ako at naisipan kong bumalik kung saan ako nanggaling, baka dito talaga ang daan palabas.

Pero hindi ba't sabi nila ay kailangan baligtarin ang damit kapag naliligaw?

Huwag na nga, baka hindi naman totoo 'yun. Baka mas lalo lang akong maligaw.

Humawak ako sa bawat puno para maging suporta sa pag lalakad ko. Kumunot ang aking noo, nasusuka talaga ako. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Huminga akong malalim, kumurap-kurap ako at pilit na pinapalinaw ang aking paningin. Hindi ako pwedeng mahimatay.

Hindi!

Tiningnan ko ang phone ko. Posted na pala ang pic ko kaya naman binuksan ko ito, may mga reacts pero hindi ko 'yun pinansin. May messages ako mula sa kanila.

From Yuri:
Nasaan ka? Hinahanap ka namin kagabi pa, nag aalala kami sa iyo.

From Marissa:
Girl! Nagawa mo pa talagang nag selfie na gaga ka. Umuwi ka na!

Paano ako uuwi, eh hindi ko nga alam ang daan pabalik?

From Nathaniel:
Umuwi ka na, baby. Hindi na ako sanay ng wala ka, mahirap ang mag isa.

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon