What's a fanpage? Should I make a fanpage? Paano ginagawa 'yun? Hahhaa.
***
Nanlaki ang mga mata ko ng tumumba ang isang lalaki sa mesa, nag lag-lagan ang mga bote at pagkain. Sumigaw namab ang tao na nasa paligid, nanonood habang ang iba naman ay nag vi-video.
Tumayo ako pero hindi lumapit. Natatakot ako, duguan na kasi ang isa sa kanila na para bang nahampas ng bote sa ulo.
Mahina!
"Go, Granada! Kaya mo 'yan! Pasabugin mo mga walang kwentang utak nila!" Sumigaw pa si Marissa na para bang nag che-cheer sa tatlong lalaki na kasama nami.
May dugo na rin ang damit ni Mat at ganoon na rin ang kakambal niyang naka akyat sa upuan. Napa sapok ako sa aking ulo ng buhusan niya ng alak ang isang lalaking naka higa.
Knock out!
"Bwisit kayo!"
"Nathaniel!" Sumigaw si Yuri at tumakbo papunta kay Nathaniel.
Tumingala siya at hinila ang damit ni Nathaniel, pilit na hinihila pababa pero hindi sumusunod ang lalaki at para bang natutuwa pa sa ginagawa niyang.
Lintik! Kailangan namin humingi ng tulong.
"Yuri, halika na--" Kumunot ang noo ko.
Nakita ko na tumakbo ang isang babae kay Yuri. Bigla niyang hinila ang buhok ng kaibigan ko kaya napa bitiw siya kay Nathaniel at tumumba, nakita kong nasaktan siya ng tumama ang tiyan niya sa sahig.
Nakaka gigil!
"Hayop ka! Bitawan mo ang kaibigan ko!" Tumakbo na ako palapit sa babae.
Mas malakas, at mas marahas kong hinila ang buhok niya habang hawak pa rin ang buhok ni Yuri. Nangigigil ako na para bang gusto ko na siyang kalbuhin.
"Bitawan mo siya! Sinasabi ko sa iyo, bitawan mo ang buhok ni-- ah! Ayaw mo, ah!"
Buong lakas kong hinila ang babae hanggang sa maka bitaw siya sa buhok ni Yuri. Tumakbo na rin si Marissa at tinulungang maka tayo ang babaita na ngayon ay napapa ngiwi habang naka hawak sa tiyan.
Boom! Confirm, buntis din siya.
"Bitawan mo ako!" Sigaw nitong babae, inaabot niya ang kamay ko. At dahil mahaba ang kuko niya ay nakaramdam ako ng sakit.
"Granada!" Sumigaw si Nathaniel ng sobrang lakas.
Nag taka naman ako ng mag sigawan ang mga tao. Nag simula na rin silang mag takbuhan, mukhang naduwag din ang guards sa isinigaw ng lalaki at nag takbuhan na palabas ng bar.
"Granada! Oh my god!" At dahil masyado akong natulala sa nangyari ay nabitawan ko ang babae.
Naka takbo siya ng mabilis ganoon na rin itong mga lalaki na sinuntok nila. Kumunot ang noo ko ng kaming anim na lang ang naiwan.
Ha?
Granada?
"Sa akin lang naman pala sila matatakot!" Mayabang na tumayo si Granada, pinunasan niya ang labi na duguan. Kinuha niya ang isang alak at nilaklak 'yun.
"Tinawag ko lang naman apelyido mo, hindi ko naman aakalain na matatakot sila."
Mga tarantado, akala yata nila may granada sa loob.
Huminga ako ng malalim.
Naka tayo si Mat ng hinihingal, may dugo ang kaniyang kamao pati na rin ang kwelyo niya. Si Nathaniel naman ay naka tayo pa rin doon sa upuan habang ang isang paa ay naka akyat sa mesa. Si Granada naman ay bumangon. Habang si Marissa ay naka hawak kay Yuri.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romansa"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.