Chapter 6

31.5K 814 106
                                        

"'Yung mga pinamili--"

"Ilagay mo sa loob," sumunod si Azrel sa utos ni Cardan.

I sat quietly in the car until Cardan came in and sat next to me.

Nararamdaman ko ang galit niya, napaka bigat ng presensyang lumalamon sa loob ng kotse. Ang mga pinamili ko kanina ay inilagay sa likod samantalang si Azrel ay sumakay sa ibang sasakyan kasama ang dalawang gwardiya.

Hindi umiimik ang lalaki na nasa tabi ko, pero sinisigurado kong minumura na niya ako sa isip niya. Kumurap ako at yumuko, pinag laruan ko ang aking mga daliri.

"I left the fucking conference room for you," he whispered under his breath. He cursed without looking at me.

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang isinisiksik ang sarili sa gilid, iniiwasan kong mag dikit ang aming mga balat at ang aming damit. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng takot na ngayon ay galit siya.

Tiningnan ko ang kaniyang kamao, nakasara ito. Huminga ako nang malalim at lumunok.

Huminto ang sasakyan, wala ng sunod na nag salita. Mahigpit niyang hinawakan ang aking pulsuhan at hinila palabas. Ngumiwi ako, nasasaktan ako sa ginawa niya pero mas lamang pa rin ang takot ko.

"T-teka lang, masakit--"

"Manahimik ka." Kinaladkad niya ako papasok at nag tinginan sa amin ang mga tao.

Bumukas ang elevator, hindi niya binibitawan ang aking kamay. Ilang beses akong huminga ng malalim. Natatakot ako sa pwede niyang gawin, hindi ko pa siya lubusang kilala kaya naman wala akong ideya kung ano ang binabalak niya sa akin.

Madiin kong kinagat ang ibabang labi ko, hinawakan ang kamay niyang naka hawak sa akin at pilit 'yung inaalis.

"Let go! You are hurting me!" Sigaw ko ngunit para siyang bingi, para bang wala siyang narinig at hindi niya ako sinunod.

Bagkus ay mas lalo niyang hinigpitan ang pag kakahawak sa akin hanggang sa buksan niya ang pinto.

"Nasasaktan ako, ano ba!"

Hindi siya nag salita. Tinulak niya ako at natumba naman ako sa kama. Hindi kagad ako naka bangon, nakita kong binuksan niya ang isang cabinet at mayroong kinuha roon. Hindi ko na sana pag tutuunan ng pansin ang bagay na hawak niya pero nanlaki ang mga mata ko.

"A-anong gagawin mo?"

Umatras ako, lumapit siya upang hulihin ang aking kamay pero patuloy ako sa pag iwas. Isinampa niya ang isang tuhod sa kama at mabilis na dinakip ang aking kanang kamay.

"Ano ba! Nasasaktan ako, anong gagawin mo? Anong binabalak mo?!"

Hindi na ako naka iwas pa ng mahuli niya ang kanang kamay ko, nagulat ako ng ilagay niya ang handcuff sa aking pulsuhan at ang kalahati nito ay inilagay sa gilid ng kama.

"Pinagbigyan kitang umalis pero anong ginawa mo." Ang boses nito ay may pag babanta.

"C-Cardan..." Nanginig ang aking boses ng ilagay niya ang susi ng handcuff sa kaniyang bulsa.

Nagliliyab ang mga mata niyang naka titig sa akin, tumataas at baba ang dibdib niya sa hingal at galit.

"You won't fucking come out, you understand? Hinahayaan mong mawala ang tiwala ko sa iyo, Rian."

Nag landas ang aking luha.

"Dahil a-ayoko rito! Gusto ko ng umuwi, hindi ko ginustong mapunta rito!"

Yumuko siya, lumamlam ang kaniyang mga mata.

"But I bought you, akin ka na dapat."

"Ibalik mo ang pera, mag hanap ka ng ibang babae, huwag lang ako. Gusto kong maging malaya. N-nakiki usap ako, pakawalan mo na ako..."

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon