Chapter 26

22.1K 678 306
                                        

Let's celebrate my birthday with Cardan and Rian! ,🥂

***

"Nandiyan pa ba?"

"W-wala na yata."

Nag didilim na ang paligid ay walang masyadong dumadaan na tao rito kaya hindi kami natulungan. Hindi naman kami makasigaw doon sa mga guards dahil malayo sila mula sa amin. At ang kinalabasan, nandito kami ngayon sa itaas ng puno. Kanina pa kami hindi makababa!

May kamatayan na nag hihintay sa aming ibaba!

Limang aso ang tumatahol kanina, dalawang kulay brown, isang itim at dalawang kulay puti.

Hindi namin alam kung saan kami tatakbo kaya ang nagawa namin ay ang umakyat dito.

Lintik na Granada 'yan, balak yata kaming patayin.

"Wala na, wala na akong naririnig."

"Sinong unang ba-baba?"

Mahigpit ang pag hawak ko sa braso nito  ng katabi ko na si Matthew para hindi ako mahulog, naka upo lang kasi ako roon sa may sanga, mabuti na lang at magaan ako kaya hindi ako mahuhulog.

Sa sobrang takot ko kanina ay dire-diretso lang ang pag takbo ko habang hila ang damit niya. Napunit ang polo niya sa may bandang ibaba, pumutok 'yung butones kaya ngayon ay naka bukas ang kaniyang damit. Mabuti na lamang at may suot pa siyang puting sando sa may loob nito.

"Daniel! Ikaw unang bumaba!" Sigaw ni Nathaniel na naka pwesto sa pinaka itaas. Hawak niya naman si Yuri para hindi mahulog ang maliit.

"Kinakabah--"

"'Wag kang kakabahan diyan na hayop ka, ikaw ang nag yaya sa amin dito," pag babanta ni Nathaniel.

Kinamot ni Granada ang kaniyang ulo at walang nagawa kundi ang bumaba. Marahan at mabagal lang, hindi siya gumagawa ng ingay. Hanggang sa tuluyan siyang maka baba ay wala na ang mga asong nag tatahulan kanina.

"Wala na."

"Wala na?"

"Thank god!" Naka hinga ng maluwag si Marissa. At dahil matangkad ang babae ay tumalon siya pababa.

Tumabi na siya kay Granada at sinilip ba ang magkabilang gilid. Sinenyasan niya kaming bumaba na.

"Halika na! Wala na!"

Bumitaw ako kay Matthew pero naramdaman kong pinigilan niya ako, siya na muna ang unang bumaba at tinulungan akong maka talon.

Wow, gentleman.

Lumapit sa akin si Yuri, tumatawang bumulong.

"Pangalawang damit niya na 'yan na napunit mo, ah." Napalingon ako kay Matthew, sira ang polo! Nawawala ang apat na butones.

Mayroon pa namang tira roon sa allowance na ibinigay sa akin ni Cardan, bibigyan ko na lang siya ng pera pambili ng bago.

"Hayaan mo na, mukhang hindi naman nagagalit," pabulong kong sagot sa kaniya at humagikhik ang babae.

"Dito ba talaga 'yun? Baka pinag loloko mo lang kami," reklamo ulit ng kakambal.

"Dito nga 'yun-- ayun na! Tara!"

At dahil tumakbo na si Granada ay tumakbo na rin kaming lahat para sundan siya. Mas malalaki at mukhang mas yayamanin pala ang mga bahay dito sa pinaka looban.

Tumakbo kami hanggang sa malapitan namin ang isang bahay--

Wala ng mga tao!

Sinisimulan na nilang mag ligpit.

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon