Chapter 32

21.8K 619 275
                                        

Huwag na kayong magalit kay baby Rian ko. Ito na, ito na. Hahahha

***

Me:
Mat!

Me:
Mat!!

Me:
Mattt!

Me:
Matthew!

Ang tagal mag reply. Hindi ako mapakali rito sa kama, hindi nga rin ako maka tulog. Malapit ng ma-lowbat itong cellphone kaya naman sinusulit ko na. Nag message ako sa kanilang lahat pero kahit isa ay wala pang naka-kakita ng chat ko.

Me:
Matthew Laurier!

Ang bagal mag reply! Kinamot ko ang aking noo. Ano 'yun? Bakit may pimple?

Mahapdi!

Gumalaw ako ulit sa aking pwesto. Umupo ako at inilagay ang binigay nilang kumot sa aking kandungan, isinandal ko naman ang aking likod sa banig. Wala raw kasi silang kama, ayos lang naman, kahit papano ay komportable naman.

Walang electric fan, hinayaan ko na. Hindi naman masyadong mainit sa bahay nila. Naka rinig pa ako ng kumakaluskos mula sa kabilang kwarto. Mukhang gising pa si Laya.

From Matthew:
Oh?

Nag reply din sa wakas!

Me:
Puntahan niyo ako.

Sampung minuto bago nag reply.

May ka chat ba siyang iba?

From Matthew:
Saan? Dalawang araw ka ng hindi pumapasok.

Me:
Puntahan niyo ako rito sa probinsya, itakas niyo ako. Bilis!

From Matthew:
Saan sa probinsya?

Me:
Sa Bicol! Isesend ko mamaya ang pinaka address. Bilisan niyo, kailangan niyo akong itakas bago mag umaga.

Hindi siya nag reply pero nakita naman niya ang aking message. Ipinatong ko ang aking kamay sa tuhod at kinagat ang aking kuko. Kinakabahan ako, matagal pa naman mag umaga pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

From Matthew:
Pupuntahan namin ni Nathaniel si Granada. Saan ka naka tira ngayon?

Me:
Nakikitira lang ako sa kapitbahay. Pwedeng pakibilisan?

From Matthew:
Bakit? Anong nangyari?

Me:
Basta! Itakas niyo ako. Kailangan ko kayo.

Huminga ako ng malalim, tumayo ako mula sa banig at sinilip ang sala. Wala ng tao, sarado na rin ang ilaw pero nakaka rinig talaga ako ng kaluskos sa kabilang kwarto kaya sumilip ako roon.

"Rian? Gising ka pa?" Nag pe-paint pala itong si Laya. Pumasok ako sa kwarto niya at lumuhod sa kaniyang harapan.

"Hindi kasi ako maka tulog, painting?"

"Oo, ito ang ginagawa ko kapag hindi rin ako nakaka tulog."

Ang galing.

Ang galing niya mag paint. Tumikhim ako at buong minuto ko lang siyang pinanood hanggang sa naisipan kong mag tanong.

"Ilang taon ka na?"

"Sixteen," tama nga ang hinala ko. "Sakitin ako kaya hindi mukhang sixteen."

"Hindi naman, cute mo nga eh, sarap mong ilagay sa bulsa ko."

"Ha?"

"Wala. Mag paint ka na, papanoorin lang kita."

Ngumiti ito at nag patuloy sa ginagawa. Paminsan-minsan ay nag uusap lang kami kapag nakakabingi na ang katahimikan. Na miss ko ang tunog ng mga kuliglig, medyo marami rin kasing puno rito.

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon