Chapter 8

26.1K 842 316
                                    

Nag sisimula ng sumilip ang araw, kanina pa ako palakad-lakad pero hindi ko alam kung saan na ako napapad-pad.

Mabuti na lamang ay natulog ako kahapon ng hapon kaya hindi ako nakaramdam ng antok. At kung aantukin man ako, hindi pa rin ako makakatulog. Alangan namang matulog ako sa gilid.

Huminga ako ng malalim.

Kaya ko 'to.

Pinili ko 'to.

Dapat ay panindigan ko.

Mahigpit kong hinawakan ang black card habang nanginginig ang kamay. Kinagat ko ang ibabang labi at lumapit sa isang tinderang ale.

"P-pasensya na po sa abala pero, pwede po ba akong mag tanong?"

Tiningnan ako ng tindera mula ulo hanggang paa bago sumagot.

"Ano 'yon, hija?"

"Alam niyo po ba kung saan ang sakayan papunta sa B-Bicol?"

Kumunot ang noo nito, tiningnan niya ang hawak ko at pasimple ko namang itinago ang aking kamay sa likod.

"Malayo 'yon, hija. Kailangan pa ng dalawang sakayan bago makarating sa bus terminal."

"Ganoon po ba..." Kinamot ko ang batok ko. "P-pwede niyo po bang ituro kung saan--"

"'Yan bang card ang gagamitin mo?"

"Opo sana."

"Naku, hindi sila tumatanggap ng ganiyan. Sa iyo ba talaga 'yan?"

Umatras ako.

Bukod sa hindi sila tumatanggap nito, hindi rin pala ako marunong kung paano ginagamit ang bagay na ito. Bumuntong hininga ako at lumingon sa paligid habang umaatras.

"Ah, pasensya na po ulit."

Tinalikuran ko na siya pero nararamdaman ko pa rin tingin niya sa akin. Lumingon ako, hindi nga ako nag kakamali. Naka tingin pa rin ang ale sa akin.

Umiling ako at nag patuloy sa pag lalakad. Umiiwas ako sa mga taong nakaka salubong ko.

Ito ang unang beses ko na maka punta sa bayan, sa buong buhay ko ay nanatili lang ako sa probinsya. Kahit pinipilit ko noon si mom and dad na isama ako ay hindi nila ako sinasama. Sabi nila ay mas malala pa ang bayan kumpara sa probinsya.

Nag lalakad ako na para bang isang batang nawawala, hindi alam kung saan pupunta, na para bang hinahanap ang mga magulang niya

Pinag diin ko ang aking labi at lumingon sa kanan at kaliwa bago tumawid. Marami akong nakakasabay na mga tao, ang iba sa kanila ay sigurado akong negosyante dahil sa mga suot nila.

Ilang oras na ba akong nag lalakad? Nag sisimula na rin sumakit ang paa ko.

"Nawawala ka ba, miss?" Nagulat ako ng mag salita ang isang lalaki sa gilid ko.

Meron pa siyang apat na lalaki na kasama, sa gilid nila ay merong kulay berde na truck.

"No..." I shook and tried to avoid them, sinundan nila ako.

Ang isang lalaki nanaman ang nag tanong.

"Samahan ka na namin, ganda."

Nakakatuwa sana na napuri ako pero hindi ko sila kilala.

"No, t-thank you."

"Probinsyana ka ba?" Tanong nanaman ng isa. Mabilis na ang pag lalakad ko at hinahabol na talaga nila ako.

"Jackpot, mas magaganda at makikinis pala ang mga probinsyana."

"Sama ka na sa amin, miss. Ihahatid ka namin, saan ba punta mo?"

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon