Chapter 25

24.4K 727 474
                                        

Kinikilig at natatawa ako sa mga comments niyo, jusko kayo. At dahil gina-granada niyo ang notifications ko. Spoil ko kayo ng kaunti. Sa mga nag tatanong kung happy ending ba ito? Sinabi ko na po, 50% yes and 50% no. Pwedeng oo pwedeng hindi. Pero ngayon pa lang sasabihin ko na na, Yes! May mangyayari man pero sila pa rin ang end game. Bakit 50-50 lang? Hahatiin ko po kasi ang libro na ito sa dalawa. Part one which is His Ruthless Obsession and part two na His Ruthless Obsession: The Final Touch. Sa mga nag tatanong din kung may story ba si Sir Verpes and Yuri? Mag kakaroon po sila pero cut na. I'll publish it kapag natapos na itong HRO.

And one more thing. Add niyo ako sa Facebook (Soyang Wp) I will post my updates and future works doon. I will publish a series soon and I will call it 'The Red Collectors Series.' 'Yun lang, thank you! Here's the chapter 25.

***

Bwisit na Cardan 'yan.

Talaga namang pinag usapan namin ang tungkol sa ipis. Pinalinisan niya pa ang kwarto ko kay Yolly para masigurong wala ng lalapit pang ipis o kahit anong insekto.

Nag pabili pa talaga siya ng sandamak-mak na baygon para raw kapag nakakita ako ng ipis ay is-prayan ko ito.

Spray ko 'yang mukha niya eh.

Ginigigil talaga ako ng lalaking 'yun.

"Mapupunit na 'yung papel mo, Rian." Hindi ko pinansin si Daniel.

Naka palibot nanaman silang mag kaibigan sa akin. Naka upo si Marissa sa mesa ko habang nag lalagay ng lipstick. Si Yuri naman ay nag lagay ng upuan sa harap ko habang may hawak na libro. Ito namang si Daniel ay naka tabi kay Yuri, naka titig sa kamay ko. Si Nathaniel ay nasa likuran ko, nag lalaro sa cellphone at itong si Matthew.

Ewan ko sa lalaking 'yan. Palaging tulog, ginawa ng tulugan ang eskwelahan na ito. Hindi rin nag dadala ng notebook, 'yung bahay yata nila ang nag aaral, leche.

"Sinong gustong sumama? Birthday ng kapitbahay namin," pag aaya ni Daniel.

"Bakit naman kami sasama? Imbitado ba kami?" Angal nitong si Marissa, ngayon naman ay inaayos niya ang kaniyang kuko.

"Inimbitahan ako kaya isasama ko kayo."

"Baka maubusan sila ng handa."

"Sasama ako kung sasama si Rian," luh. Tiningnan ko ang nag salitang si Nathaniel, naka tingin pa rin siya sa cellphone. Tuloy-tuloy ang pag pipindot, parang walang bukas.

"Ako rin! Sasama rin ako kung sasama si Rian."

"Ikaw, Yuri? Sama ka?"

"Game ba."

"Ikaw, Rian? Sama ka?"

Tiningnan ko silang lahat at hindi kaagad nag salita. Sasama raw sila kung sasama ako.

Nakaka hiya naman kasi pumunta, baka mag mukha kaming nag paparada sa dami namin.

"Saan ba 'yan? Malapit lang?"

"Medyo malayo rito sa school, lakarin na lang natin."

Hindi ako sigurado kung sasama ba ako. Hindi ko rin kasi alam kung si Cardan ang mag susundo kanina sa akin-- may naisip ako.

"Teka lang, tanong ko si singkit."

Mabilis kong nilabas ang aking phone para mag message kay singkit. Meron din pala siyang Facebook account, noong nakaraang araw ko lang nalaman.

Me:
Ikaw ba ang susundo sa akin?"

"Sino si singkit?"

"'Yung palaging sumusundo sa akin."

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon